NAGHUHUGAS- KAMAY si presidential adviser on the peace process Teresita “Ging†Deles na may kaugnayan sa Zamboanga crisis.
Ipinagpipilitan ni Deles na kasama naman daw talaga sa binuong BangÂsamoro framework agreement ang MNLF kaya waÂlang dahilan para mag-alburuto si Nur MiÂsuari.
Kung talagang kasama ang MNLF, bakit hindi sila nakabilang sa mga naunang usapan at konsultasyon. Malinaw naman na ang Bangsa-moro entity ay nakadisenyo sa MILF at itsapuwera dito ang MNLF. Nang mangyari ang kaguluhan sa Zamboanga, saka isinasali ni Deles.
Isa sa katibayan na hindi talaga kasama si Misuari ay nang hindi ito inimbitahan nang lagdaan ang framework agreement sa Malacanang. Tila nagkamali ng kalkulasyon si Deles. Ang buong akala siguro nila wala nang ibubuga si Misuari.
Isa pang palaisipan kay P-Noy ay kung bakit hindi nauubusan ng bala ang mga tauhan ni Misuari. Naghihinala ang gobyerno na mayroon itong nakukuhang suportang pinansiyal sa ibang tao.
Ayon sa mga nag-oobserba sa sitwasyon, hindi naman daw dapat pagtalunan na talagang pumalpak si Misuari sa paghawak sa ARMM kaya hindi nakamtan ang mithiin nito sa rehiyon. Kung pumalpak si Misuari, maaaring nagkulang din ang gobyerno sa pagbibigay ng suporta kay Mi-suari.
Panahon na para magpalit si P-Noy ng peace adviser. Makakabuting ang italaga niya ay ang mga nirerespeto sa komunidad ng Muslim na nakakaintindi ng tunay na sitwasyon at problema ng Bangsamoro.