Ang Sumpa ng Superman
LAHAT nang may kinalaman sa istorya ng Superman ay nakaranas ng hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay. Si George Reeves na gumanap na Superman sa television series ay nagpakamatay. Si Christopher Reeves na gumanap na Superman sa pelikula ay naparalisa ang katawan dulot ng pagkahulog sa kabayo.
Sina Jerry Siegel at Joe Shuster ang magkatulong na lumikha ng karakter na Superman ngunit hindi nakatanggap ng sapat na kompensasyon dahil ang nagkamal ng salapi ay ang employer nila, ang DC comics, na may hawak ng rights ng Superman. Dahil sa unfair compensation, sinasabing nakapagbitaw ng sumpa ang dalawa na sana’y malasin ang lahat ng taong mauugnay sa Superman.
May bulung-bulungan na ang pagkamatay ni John F. Kennedy ay sanhi ng sumpa ng Superman. Paano siya nagkaroon ng kaugnayan sa Superman? Bago siya namatay, inaprubahan ng kanyang opisina ang isang campaign ad kung saan gagamitin si Superman bilang endorser ng physical fitness initiative ng presidente.
Maraming aktor sa Hollywood ang tumangging mag-Superman sa pelikula dahil natakot silang madamay sa sumpa.
Next: Ang sumpa sa pamilya Kennedy