Hindi pa umano tuluyang maisasampa ang kaso laban sa tinaguriang utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa kabila na mahigit isang buwan matapos mabunyag ang naturang anomalya.
Sangkaterba na nga ang isinasangkot at nadadawit na pangalan sa anomalyang ito at sangkaterba na rin ang mga lumulutang na testigo.
Pero sa kabila nito kailangan pa rin daw maging detalyado at organisado ang kaso, ayon kay DOJ Secretary Leila de Lima, kaya maaantala ang paghaharap ng kaso kay Napoles at sa iba pang sangkot o dawit.
Baka nga lalu pa itong tumagal, dahil sa umano’y nagaganap na demoralisasyon sa loob ng NBI na siyang pangunahing nagsisiyasat sa kaso ni Napoles.
Ito nga eh, matapos ang ginawang pagbibitiw ni NBI director Nonnatus Rojas na sinundan ng isang deputy director na si Edmundo Arugay.
Mistulang nabulabog ang ahensya dahil sa pagbibitiw ng kanilang director, matapos ang pasaring ni Pangulong Noynoy Aquino na may ilang tiwali sa loob ng NBI na nag-leak ng impormasyon kay Napoles tungkol sa nailabas ditong warrant of arrest.
Irrevocable resignation ang iniharap ni Rojas na hindi na umano nakumbinsi pa ni Secretary de Lima na huwag nang ituloy ang resignation.
Halos kasabay nito ay nagbitiw din ng mga salita si Secretary de Lima na nasa tatlo o apat na opisyal sa NBI ang nag-leak ng impormasyon kay Napoles, kaya nga nananawagan ito sa mga deputy directors na magharap ng kanilang courtesy resignation. May isa pang deputy director ang ipinagtanggol si de Lima, ibig sabihin nilinis niya ito na tinutukoy sa paÂsaring ng Pangulo.
Kung gayun ang mga hindi niya nilinis lahat yon ay kanyang pinagdududahan.
Kaya marami ang demoÂralisado sa nangyayari.
Lalo pang tumindi ito makaraang muling magpahayag kahapon si de Lima na ang itatalagang OIC sa NBI na panÂsamantalang kapalit ng nagbitiw na si Rojas eh hindi manggaÂgaling sa loob ng ahensya.
Pero ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Lorna Kapunan at ilan pang report si Secretary de Lima umano ang nag-leak sa warrant, dahil siya ang daldal nang daldal noon sa media hindi pa man lumalabas ang warrant.
Hindi kaya ang nangyaÂyaring gulo o demoralisasyon sa loob ng NBI ang isa sa dahilan kung bakit nagtatagal ang pagsasampa ng kaso laban kay Napoles.
Baka dahil dyan ay hindi lalo makabuo ng konkretong paghaharap ng kaso ni Napoles.
Ano sa palagay ninyo, Sec. de Lima?