TAYLOR MORRIS-DANIELLE KELLY – High school sweethearts sila. Kapwa taga-Iowa. Mahal nila ang isa’t isa at nangakong walang makapaghihiwalay sa kanila. Noong 2007 nagsama sila nang tuluyan. Maligayang-maligaya ang dalawa.
Nag-training sa Navy si Taylor at pagkaraan ng ilang taong pagsasanay na-enlist siya bilang explosive ordinance disposal technician at may ranggong Petty Officer 2nd Class. Permanente siyang na-assigned sa Explosive Ordnance Disposal Unit 12. Ipinasya nilang manirahan sa Virginia Beach, Virginia.
Sumunod na taon, na-deployed sa Afghanistan si Taylor. Hanggang sa mangyari ang malagim na pangyayaring iyon. Habang nasa Afghanistan, natapakan niya ang improvised explosive device. Dahil doon, naputulan ng mga paa (mula tuhod) at mga kamay si Taylor.
Subalit ang malagim na pangyayari ay hindi nakapagpabago sa kanilang matamis na pagmamahalan. Nagpatuloy ang kanilang pambihirang pag-iibigan.
Tinulungan ni Danielle si Taylor na makabangon at maging positibo. Laging nakaalalay si Danielle sa asawa. Pinapasan niya ito at pinapasyal sa dalampasigan. Sobrang mahal nila ang isa’t isa at walang makapaghihiwalay sa kanila. (www.oddee.com)
AMREEN at LOKESH – Sila ay tinataguriang “Romeo and Juliet†sa India. Mas ginusto pa nilang mamatay nang magkasama kaysa magkahiwalay.
Noong 2009, ginulantang ang mga tao nang isang balita tungkol sa magkasintahan na nagpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng lason. Lahat nang diyaryo ay pawang iyon ang balita.
Umano’y binalaan sina Amreen at Lokesh ng mga namumuno sa kanilang village o mga panchayat na maghiwalay na o parusahan sila ng kamatayan. Si Amreen ay isang Muslim samantalang Hindu naman si Lokesh. Sa kanilang komunidad, mahigpit na pinagbabawal ang pagmamahalan ng Muslim at Hindu.
Subalit hindi natinag ang dalawa. Sabay silang uminom ng lason at sabay ding nalagutan ng hininga.
Kinasuhan naman ng pulisya ang mga panchayat na naging dahilan ng pagpapakamatay ng dalawang nagmamahalan. (www.oddee.com)