Lalaki, inilagay ang mga buhay na isda sa bulsa ng pantalon at tangkang i-smuggle, tiklo sa airport

MARAMING paraan na naiisip para makapagpuslit ng kargamento o ano pa mang bagay sa airport. Pero ang ginawa ng isang lala-king Vietnamese ang kakaiba sa lahat. Inilagay niya ang mga isdang ipupuslit sa New Zealand sa bulsa ng kanyang pantalon. Bago inilagay ang mga isda, nilagyan muna ng lalaki ng tubig ang kanyang mga bulsa. Ang lalaki ay ga-ling Australia.

Subalit hindi nakaligtas sa mapanuring airport security ang lalaki. Napansin ng mga sekyu ang mapipintog at malalaking bulsa ng lalaki na umaalog habang naglalakad. Bukod doon, napansin na basa rin ang mga bulsa ng lalaki.

Agad inimbestigahan ang lalaki. Tinanong kung bakit namimintog ang bulsa. Sagot ng lalaki, tubig iyon at baon niya dahil lagi siyang nauuhaw. Pero hindi kumbinsido ang mga pulis tiningnan ang mga bulsa.

At ganoon na lamang ang pagkagulat ng mga security nang makita ang maraming tropical fish na nasa bulsa ng lalaki. Ipinagbabawal sa New Zealand ang pag-smuggle ng mga isda sapagkat maaaring may sakit ang mga ito. Maaari rin daw na ma-ging banta sa mga local o native na isda.

Sinampahan ng kaso ang lalaki at nahaharap sa limang taong pagkabilanggo. Bukod doon pagmumultahin pa siya.

 

Show comments