“K AY kuya nga ito!â€
“SA kuya mo?’’
“Oo. Kilala ko ang sunglass niya. Madalas niyang suot kapag nagtutungo sa Maynila.’’
“Nasaan siya?’’
“Laging wala rito, yun. Ako naman laging nasa Maynila dahil nag-aaral pa ako. Hindi ko alam kung ano ang mga activity niya.’’
Napatangu-tango si Jinky.
“So wala siya rito ngaÂyon?’’ tanong ni Jinky at akmang tatayo na para umalis.
“Wala siya rito, Jinky. Nag-iisa nga ako rito ngayon. Paalis na rin ako mamaya patungong Maynila.’’
“E di sige ibigay mo na lang sa kanya yan. Sabihin mo nakita ko sa pampang ng sapa sa Bgy. Villareal.’’
‘‘Oo. Sasabihin ko sa kanya. Sasabihin ko, maganda at sexy ang nakakita at nag-aksaya ng panahon para maihatid dito.’’
Napangiti si Jinky. NapaÂsulyap si Patrick sa mga hita ni Jinky. Kinipit ni Jinky ang hita. Nasiseksihan siguro sa kanya.
‘‘Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Kuya. Mula nang mamatay ang aminÂg papa, hindi na kami gaÂanong nagkakausap. Dito na nga siya sa Socorro naglagi.’’
Napatango na lang si Jinky.
‘‘Walang pang pamilya kasi kaya kung anu-ano ang ginagawa. Bakit kaya nasa pampang ng sapa ito. Baka namimingwit.’’
Hindi sinabi ni Jinky na naliligo ang kuya nito sa sapa. Kakahiya naman na malaman na pinanood niya ang paliligo.
“Sige, magpapaalam na ako. Ikaw na ang bahala, Patrick.’’
“Sige, Jinky. Ayaw mo bang uminom man lang kahit tubig. Kakahiya sa’yo.’’
“Hindi. Huwag na. Okey lang ako.’’
“Siyanga pala, kunin ko ang cell phone number mo. Patatawagan kita kay Kuya para siya ang magpasaÂlamat sa’yo. Kakahiya naman kung hindi ka mapasaÂlamatan.’’
Ibinigay ni Jinky ang number.
“Sige aalis na ako, Patrick.’’
“Salamat uli.’’
Tumalikod na si Jinky. Pero may napansin siyang kumilos sa may dako roon ng salas. Pero biglang nawala. May ibang tao yata?
Inihatid siya ni Patrick sa gate.
“Salamat Jinky,’’ sabi at nginitian siya nang matamis.
(Itutuloy)