‘Super Honey’ nakapagpapagaling ng ulcer, sugat at tagihawat

NAKAGAWA ng isang kakaibang pulot (honey) ang mga microbiologist sa New Hampshire Hospital at tinawag nila itong “Surgihoney”. Ito raw ang masasabing super honey sapagkat walang makakapantay sa ibinibigay na health benefits sa mga may sakit lalo na sa mga may sugat at infections.

Ayon sa microbiologist na si Dr Matthew Dryden, napatunayan nila ang husay ng “Surgihoney’’ nang gamitin ito sa mga sugatang sundalo sa Afghanistan. Ini­aplay ang “Surgihoney” sa mga sugat at sa kanilang pagtataka, mabilis na gumaling ang mga sugat ng sundalo. Nawala ang impeksiyon. Mabisa rin daw ito sa Methicillin-resistant Staphy­lococcus aureus (MRSA) at iba pang antibiotic-resistant bacteria.

Bukod sa mabisang gamot sa infected wounds, napatunayan din na mahusay ito sa ulcers at sa tagihawat.

Sabi ni Dr. Dryden, nagsagawa na siya nang maraming laboratory tests at ikinumpara ang “Surgihoney” sa iba pang honey sa buong mun­do at napatuna-yan niyang mahusay at kagila-gilalas ang resulta.

Ayon pa sa doktor, sa nakalipas na ilang taon, sinubukan na ang ‘‘Surgihoney’’ sa mga sanggol, ina, matatanda at maski sa cancer patients sa Hampshire hospitals.

 

Show comments