“NAG-ALALA kami ni Mulong, Mam Jinky. Kasi matagal ka bago dumating. Balak sana namin ni Mulong na puntahan ka sa Socorro,†sabi ni Tina.
Nag-isip naman si Jinky. Hindi niya sasabihin kay Tina ang dahilan kung bakit siya natagalan sa pag-uwi. Magsisinungaling siya. Hindi dapat malaman ang tungkol sa beltbag.
“A, meron kasi akong pinuntahan. Isang dating kaibigan noon sa Maynila na ngayon ay nasa Socorro na. Nahirapan akong hanapin ang bahay.â€
“A ganun po ba. Kasi po’y sabi mo e sandali ka lang doon.’’
“Oo nga sana kaso e hindi ko agad nakita ang bahay.’’
“Babae po ba ang kaÂibigan mo?â€
“Ha? A e oo, babae!â€
“E teka po nakakain ka na po ba, Mam Jinky?â€
“Oo! Ang dami ngang pagkain sa pinuntahan ko.â€
“Parang reunion ano po?â€
“Oo! Reunion na nga. Ang tagal namin bago nagÂkita – siguro e mga 20 taon.â€
“Ay matagal na pala!â€
“Oo matagal na kaya marami kaming pinagkuwentuhan.’’
Natahimik sila.
Si Tina ang nagsalitang muli.
“E Mam Jinky, kailan po ba babalik si Sir Dick dito?â€
Hindi makapagsalita si Jinky. Parang may itinatago.
“A e marami pa raw inaasikaso sa Maynila. Pawang negosyo.’’
“Kasi mahirap din po kapag wala siya rito. Sabi ni Mulong, mas maganda talaga kapag narito ang bossing at may nagpapasya.’’
“Puwede naman akong magdesisyon, di ba?â€
“A e opo. Nasabi lang po naman iyon ni Mulong.â€
“Basta kung may problema kayo, sabihin sa akin dahil ako naman talaga ang dating nagma-managed.’’
“Opo, Mam Jinky.’’
Pagkatapos ay tumalikod na si Jinky at nagtungo na sa silid niya.
Naiwan si Tina na parang natulala. Galit yata si Mam Jinky.
MAKALIPAS ang ilang araw, nagbihis si Jinky. Ngayon na siya baÂbalik sa bahay na pinuntahan niya. Sigurado, may tao na roon. Kailangang maisauli na niya ang beltbag sa lalaki. Excited si Jinky. Parang may magandang mangyayari.
(Itutuloy)