Babae sa Australia, 3 araw na nabubulag sa loob ng isang linggo

MARAMI nang eye specia-lists ang tumi-ngin kay Natalie Adler ng Melbourne, Australia, pero wala pa rin silang magawang pangmatagalang remedyo sa problema nito. Si Natalie ay tatlong araw na nabubulag sa loob ng isang linggo. Kapag nagsimulang magsara ang kanyang mga mata ng Lunes, sa Huwebes na siya mu-ling makakakita. Paiba-iba ang araw na kusang nagsasara ang kanyang mga mata at tatlong araw siyang hindi makakita, as in bulag talaga siya. Kahit anong gawin, hindi talaga niya maimulat ang kanyang mga mata. Maimumulat lang niya ang mga ito pagkaraan ng tatlong araw.

Nagsimula umano ang kakaibang sakit ni Natalie noong siya ay 11-anyos. Nagkaroon umano siya ng sinus at staph infection at nang bumangon siya namamaga na ang kanyang mga mata. Simula noon, nagsimula na ang kakaibang sakit ni Natalie.

Ayon pa kay Natalie, sa una ay kumurap-kurap ang kanyang mga mata. Marahan muna at saka padalas nang padalas hanggang sa tuluyan na itong magsara. Mula noon ay tatlong araw siyang hindi makakakita.

Hindi makita ng eye specialists kung ano ang dahilan ng pagkabulag ni Natalie. Hindi rin nila alam kung ano ang gamot dito.

Sa loob ng dalawang taon, sinubukan nilang i-treat si Natalie sa pamamagitan ng Botox injections sa pisngi nito. Dahil doon, nakakita si Natalie sa loob ng limang araw pero nang tumagal, hindi na umepekto ang Botox.

 

Show comments