DAHIL ang Agosto ay Breastfeeding Awareness Month, at dahil ako ay breastfeeding mom and advocate, narito ang ilang trivias kung bakit napakahalaga ng pagpapadede sa anak at bakit ang gatas ng ina ang pinaka-masustansiya sa lahat ng gatas sa buong mundo.
•Ano man ang laki ng dibdib, wala itong kinalaman sa dami ng gatas na magagawa. Hindi porke maliit ang dibdib ay kaunti lamang ang gatas na iyong mapo-produce.
â€¢ï€ Ang kanang dibdib ay mas marami ang naproproduce na gatas.
â€¢ï€ Ang isang session ng pagpapadede ay dapat 15-16 na minuto.
â€¢ï€ Ang parang kuryenteng nararamdaman na hudyat ng pagbaba ng gatas ay tinatawag na let-down. Mga isang minuto simula sa pagsubo ng anak sa nipple bago tuluyang bumaba ang gatas.
â€¢ï€ Kadalasan, kapag dumedede ang bata sa isang dibdib ay bumababa o tumatagas din ang gatas sa kabila kahit hindi ito dinededehan. Maaari itong harangan ng breastpads o saluhin na lamang ng bote para hindi masayang.
•Tumitigil ang bata sa pagdede kapag busog na sila, at hindi kapag ubos na ang laman ng dede. Nasa 70% lamang ng kabuuang dami ng gatas ang talagang naiinom ng bata. Kahit pakiramdam ng nanay na wala nang laman ang dede nila, meron pa rin!
â€¢ï€ Ang gatas ay lumalabas sa maraming butas ng nipple.
â€¢ï€ Ang sustansiya ng gatas ay tamang-tama sa pangangailangan ng anak. At habang tumatanda siya ay nag-iiba ang nutritional content ng gatas.
â€¢ï€ Ang gatas ng ina ay puti dahil sa Casein na mayaman sa Calcium at Whey, na mayaman sa protina. Ang colostrums ay dilaw dahil sa taglay na beta-carotene na anti-oxidant at pinoprotektahan ang bata sa mga sakit.
â€¢ï€ Hindi lamang pagkain ang gatas ng ina. Mabisa rin itong pamatak sa mapupula at irritated na mga mata at rashes.