KUNG isang libo ang makukuha mo sa isang araw ano ba naman ang pagbibigay ng piso sa nararapat makatanggap nito?
“Tin hindi maganda ang trabaho ko dito sa Saudi,†sabi ng kanyang kaibigang si Ronnel dela Cruz, 26 taong gulang na nagtatrabaho bilang mason sa Saudi Oger Limited Company. Patingi-tingi ang perang nasasalat niya mula sa kanyang palad mula sa sweldo na dapat niyang makuha. Ika-25 ng Pebrero 2013 nang magsimula si Ronnel sa trabaho.
“Mula Pebrero hanggang ngayon hindi pa siya sinasahuran. Allowance lang ang natatanggap niya pero kulang din kapag ibinibigay. Minsan installment pa,†kwento ni Tin.
Sa pakikipag-usap ni Christine “Tin†Subing, 28 taong gulang, nakatira sa Quezon City sa kaibigang si Ronnel nalaman niya ang ilang detalye. Humihingi ito sa kanya ng tulong dahil walang magawa ang ama ni Ronnel kahit kapwa sila nasa Saudi. Isang kaibigan nuon ang nagpakilala sa kanila ni Ronnel. Nang mangibang bansa ito sa Facebook na sila laging nagkaka-chat ng kaibigan. Dito niya nalaman ang ilang mga impormasyon tungkol sa pagtatrabaho nito sa ibang bansa.
Ang ahensiyang United Global Manpower Resources Inc. ang tumulong sa kanya upang makapunta ng Saudi. Dalawang taon ang kontratang kanyang pinirmahan. Nakasaad doon na libre ang kanyang tirahan. Ang sahod niya kada buwan ay 1500 Saudi Riyals ang katumbas nito ay PHP15000. Maliban sa sweldo may matatanggap din syang 200 Saudi Riyals o PHP2000 bilang ‘allowance’.
Hunyo 6, 2013…nag-email si Tin sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang idulog ang problema ni Ronnel. Sumagot naman sa kanya ang Head ng Repatriation Unit ng POEA na si Alfonso de Castro. Sinabi kay Tin na dalhin nila ang kanilang problema sa Philippine Overseas Labor Office (POLO). Agad itong ibinalita ni Tin sa kaibigan.
“Nanggaling na ako sa POLO Riyadh. Sabi nila maghintay-hintay lang ako,†sagot sa kanya ni Ronnel.
Dalawang buwan nang naghihintay ng aksyon sina Ronnel mula sa POLO ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakatanggap ng sagot. Wala pa rin siyang sahod kaya’t hindi makapagpadala sa pamilya dito sa Pilipinas. Ayon din umano sa kwento ni Ronnel puro pangako lamang ang kompanya sa kanya sa tuwing hihingiin niya ang kanyang sahod. Sa halip na makatulong at maiahon ang pamilya sa hirap, pati sarili niya iniisip pa kung saan kukuha ng panggastos pang-araw-araw. Dalawa ang anak ni Ronnel at ang pamilya niya ay nasa Malolos, Bulacan kaya si Tin lang ang naisip niyang hingan ng tulong. Ibinabalita rin ni Tin sa mga magulang ni Ronnel kung ano na ang progreso ng inilalapit nilang suliranin. Hindi na nila alam kung kanino pa lalapit kaya’t nagsadya na siya sa aming tanggapan.
Itinampok namin sa aming prograÂmang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwento ni Ronnel.
BILANG TULONG ibinigay namin kay Undersecretary Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng impormasyon tungkol kay Ronnel. Agad naman silang umaksiyon sa tulong na rin ng ating Consul General ng Saudi na si Ezzedin Tago. Sumagot naman sila kaagad na aalamin ang kalagayan ni Ronnel. Nakakapagtaka lamang daw na hindi magsusweldo ang Saudi Oger Limited Company dahil isa ito sa pinakamalaking kompanya doon.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, malalim ang mga salitang binitiwan ni Amb. Tago. Bago natin husgahan ang mga pahayag nitong si Ronnel mas mabuting magsagawa ng imbestigasyon ang Consul General kung hindi nga niya natatanggap ang kanyang pera at puro allowance lamang. Napag-alaman din namin na nagpasa na ng sulat ng pagbibitiw si Ronnel sa kompanya. Kahit siya’y nagbitiw na, hindi rin ibig sabihin nito na hindi na niya makukuha ang perang kanyang pinaghirapan. Dito na dapat pumasok ang mga opisyales ng DFA para ipaglaban ang karapatan ng ating OFW’s. Kasalukuyan siyang isa sa mga kababayan natin na nakatakdang pauwiin sa Pilipinas.
Sa aksiyon na ginawa ng DFA, nakuha ni Ronnel ang kanyang sweldo para sa dalawang buwan noong Hulyo 20, 2013. Nagkakahalaga ito ng 3338SR. May kasama pang tiket pauwi ng Pilipinas. ‘Exit visa’ na lamang ang pinoproblema ni Ronnel para tuluyang makauwi ng Pilipinas.
Amin ding ipa-follow-up kina Amb. Tago na makakuha siya ng exit visa para malutas na ang kanyang problema. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166(Chen), 09213784392 (Mig), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa tocal13@yahoo.com.