‘Black money scam’

BINABALAAN ang publiko sa mga taong lumalapit at nag-aalok ng instant money! Nagkalat ang mga nagmamagandang-loob at dumidiskarte sa boladas na “double or triple your money” o ‘yung Black Money Scam Syndicate!

Ang kanilang modus, babalutin ang bungkos ng papel na may black powder at saka lalagyan ng masking tape at ipi-preserve umano sa loob ng ilang araw.

Target ng mga sindikato ang mga negosyante, mag-aaral at mga may kakayanang maglabas ng pera paunti-unti habang ikinakasa ang kanilang transaksyon! Kapag nakuha na ng mga suspek ang tiwala ng kanilang target victim, ito na ang simula ng kanilang modus!

Dala-dala ang kanilang mga parapernalya, kukumbinsihin nila ang biktima na gawin ang pagsasampol o ang paggawa ng pera sa mismong bahay ng pobreng biktima!

 Mabilisan ang kilos ng mga sindikato para mapaniwala ang biktima sa kanilang hokus-pokus!

Sa katapus-tapusan, malalaman na lang ng biktima nadenggoy sya ng sindikato dahil ang mga binalot na mga papel, taliwas sa inaasahang pera tulad ng ipinangako ng mga sindikato!

Hangga’t mayroong mga desperado at sakim na nag-aasam ng instant money, tataas pa ang bilang ng mga mabibiktima sa modus na ito!

All Points Bulletin ng BITAG sa publiko, maging paladuda at huwag agad magtitiwala sa nag-aalok ng kung anu-anong transaksyon upang hindi ma-BITAG ng mga manloloko!

Manood at aking ng Bitag Live! Araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

***

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

Show comments