‘Tejeros scandal’

PATOK na patok sa publiko ang mga social networking sites!

 Ang iba, ginagamit ang iba’t ibang sites sa positibong paraan, habang ang iba, ginagamit para sa sarili nilang interes at maiitim na motibo tulad ng mga cybercrime activity!

 Ang kanilang tanging layunin, manakit ng ibang tao o dati nilang mga karelasyon, kasama  at kaibigan sa pamamagitan ng intimidasyon para mapasunod sa kanilang mga kahilingan!

 Taong 2007, ganito ang sumbong na inilapit ni “Liza” sa BITAG. Bina-blackmail umano siya ng kanyang kasintahan sa pamamagitan ng pag-a-upload ng kanilang sex scandal sa internet.

 Ang siste, nabuking kasi ng babae na kasal na at may asawa na ang kanyang boyfriend  dahilan para makipaghiwalay na siya rito.

 Pero, bago pa man mangyari ang natutunugang break up, nauna nang nagbanta ang kanyang boyfriend na ipapalabas ang kanilang sex scandal sa YouTube!

 Alamin kung ano ang totoong motibo ng kanyang “boyfriend” at kung sino pa ang mismong naging kasapakat niya sa pag-a-upload sa nasabing video!

• • • • • •

 Panoorin mamayang 6:00 ng gabi sa BITAG Channel o mag-log in sa www.bitagtheoriginal.com para sa buong detalye.

 

Show comments