HANGGANG ngayon ay hindi matinag ang pamamayagpag ng My Husband’s Lover. Mahigit isang buwan nang umeere pero nagte-trending pa rin gabi-gabi sa twitter, laman ng mga fiesta at malls at usap-usapan sa mga tahanan, parlor at maging mga opisina. Pati nga sa radyo tuwing umaga kina Kuya Igan at Sir Mike!
Sa aking e-mail, umuulan ng mga katanungan hinggil sa pagiging bakla:
“Hi Bettinna, ang pagiging bakla ba ay nasa genes, namamana ba ito? O nagagawa? Tipong kapag lumaki ka na panay babae o bakla ang mga nakapaligid sa iyo ay magiging badiday ka rin? Ibig sabihin ba nito ay nakakahawa ang pagiging bakla? Paano ba nagiging bakla ang isang tao?†– gayderr27@hotmail.com
Batid ko sa iyong tanong na ikaw ay lito sa iyong pagkatao. Sa pangalan pa lang ng email mo ay may “gay†na. Alam mo, iba ang sagot na makakalap mo depende kung sino ang tatanungin mo. May mga sasang-ayong namamana at nasa lahi ang pagiging bakla. Base ito sa karanasan nila dahil marahil sa pamilya nila ay may mga bading on either or both sides kaya nakapag-produce ng anak na bading. Mayroon namang nagsasabi na environmental dahil kung lalaki ang isang batang lalaki na napaliligiran ng mga babae ay may tendency na maging malambot din ito, lalo pa at walang matikas na nakikita at ginagaya. Minsan maaaring sadyang malakas lang talaga ang impluwensiya ng pamilya.
Subalit kung mga psychologist naman ang tatanungin, sasabihin nila sa iyong ang pagiging gay ay hindi gender preference- hindi nila ito pinipili. Kundi isang gender orientation. Makailang beses ko na rin ito nabanggit at hindi ako magsasawang ulitin hanggang maintindihan ng nakararami na ang pagiging bakla ay hindi basta-basta nangyayari o pinipili. Ito ay hindi napipigilan at nararamdaman lamang ng mga bakla. Na mistulang kahit anong gawin nilang paglaban o pagkontra rito ay mananaig pa rin ang kanilang pagiging gay because they are wired like that. Doon sila nakahilig o “papunta.â€
Ang pag-deny sa kabaklaan ay parang pagtatwa sa iyong sariling pagkatao. Mahirap itong labanan. At kung hindi mo matatanggap ang iyong pagkatao ay hindi mo mararanasan ang tunay na pagmamahal. Marahil ay ito ang pangunahing problema ni Vincent. Dahil nilalabanan niya ang pagiging bading kaya hindi siya malagay sa katahimikan at lumigaya. Ang kaso nga lang, kahit kapwa niya lalaki ang mahal niya ay may obligasyon naman siya sa babae. Pamilyado siya at may mga anak.
Kaya kung ikaw ay confused sa iyong pagkatao, unahin mo muna iyan bago ka maghanap ng mamahalin. Love and accept yourself first before you can love another.