50 Awesome Household Tips

1) Toothpaste: CD/DVD

Lagyan ng toothpaste ang bulak. Iaplay sa disc. Hugasan ng tubig. Dyarran…may brand new disc ka na!
2) Cornstarch: Nagtatanggal ng buhol

Ibudbod ang cornstarch sa mahigpit na buhol kagaya ng buhol sa shoe laces. Nakapagpapaluwag ito ng buhol.

3) Baby Powder: Nagsisilbing dry shampoo

Isang halimbawa at bawal kang maligo pero kailangan mong maglinis ng buhok, budburan ng baby powder ang iyong buhok. I-brush ang buhok hanggang sa matanggal ang puting powder.

4) Rubbing Alcohol: Nagtatanggal ng permanent marker

Basain ng alcohol ang cotton cloth. Ito ang ipangkuskos sa permanent marker.

5) Fresh  Apple Juice: Nagtatanggal ng balakubak

Ang kailangan dito ay juicer. Ipahid ang juice sa anit. Ha-yaang nakababad ng 15 minutes. Hugasan ang ulo

6) Aspirin: Nagtatanggal ng armpit stains sa T-Shirts

Magdikdik ng ilang pirasong aspirin tablet. Ang dami ay depende sa dami ng damit na tatanggalan ng stain. Ito yung stain na nanggagaling sa deodorant. Gawing paste ang durog na aspirin sa pamamagitan ng paghalo ng lemon o vinegar. Ikalat ang paste sa area na may stain. Hayaang nakababad ng isang oras saka labhan ang damit.
7) Coke: Nagtatanggal ng blood stain sa damit

Buhusan ng Coke ang bahaging may mantsa ng dugo. Hintaying matanggal ang mantsa. Labhan.

(Itutuloy)

Show comments