PAMINSAN-MINSAN, kailangan nating mapaalalahanan sa mga bagay na alam na natin pero nakakaligtaan pa rin.
â€¢ï€ Do unto others what you want them to do unto you. Ito ang positibong bersyon ng golden rule na do not do unto others. Bago ka mag-expect ng kabutihan at respeto sa kapwa mo, matuto munang magbigay ng iyong nais matamo. Gusto mong igalang ka pero wala ka namang pag-iingat sa iyong mga salita at kilos.
ï€ â€œAsk and you shall receive. Seek and you shall find. Knock and the door will be opened to you.†Huwag susuko sa iyong hinihingi sa Diyos kung hindi pa Niya ito naibibigay sa iyo. Minsan hindi lang sa anyong inaasahan mo kaya akala mo ay hindi dininig ang iyong hiling. Minsan din mali ang ating hinihingi at ipinagdarasal kaya hindi iyon ang ibinibigay sa atin. Pero magtiwala lamang na kung ano ang best para sa iyo, iyon ang matatamo mo.
â€¢ï€ Sa harap ng tukso, pumikit at magdasal. Ang pagdarasal ang isa sa mga mabisang panangga sa tukso. O mas mainam kung bago pa man dumating ang tukso ay nagdadasal ka na in advance.
•Bago punahin ang iba, tingnan muna ang sarili. Madalas kung ano ang kinaiinisan natin sa kapwa ang siya palang hindi natin gusto sa ating mga sarili. Bago manghusga, siguruhin munang malinis ka.
•Magbigay ng buong puso, na ang hangarin ay ang magbigay at makatulong at hindi ang makatanggap. Kailan ka huling nagbigay na walang inasahang kapalit? Hindi ang mismong pagbibigay sa kapwa ang tinitingnan ng Diyos, kundi ang ating motibo.
â€¢ï€ Ang pagwo-worry ay kasalanan. Kapag nagwo-worry ka ibig sabihin ay pinagdududahan mo ang kapasidad at kakayanan ng Diyos na ibigay ang mga pangangailaÂngan mo. Imbis na mag-alala magplano kung papaano mo makukuha ang gusto mo sa tulong Niya. Lagi Siyang hingan ng tulong.
â€¢ï€ Ang mga utos ng Diyos ay para sa ating kapakanan. Ito ay para matamo natin ang buhay na pinlano niya para sa atin – ang masaya, masagana at matahimik na pamumuhay. Huwag pag-isipang ang mga ito ay para pahirapan tayo. Bagkus, ang mga utos ay para lumaya tayo sa kasalanan at maging mas malapit sa Kanya. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay sa Kanya rin tayo babalik.
â€¢ï€ Magdasal nang taimtim. Ang sinseridad ang tinitingnan ng Diyos at hindi ang haba at dami ng iyong dinadasal.