Lampong (335)

NGAYON lang nangyari kay Dick ito. Marami na siyang karanasan sa mga “anak ni Eba’’ na pawang napaligaya niya pero bakit ngayon ay tila ayaw nang lumaban ang kanyang â€œsundalo’’. Lumulungayngay at ayaw nang sumaludo.

“Bakit Dick?’’

“Ha? A e wala, Jinky.’’

Pilit niyang pinababangon ang sundalo para makipaghamok. Pilit niyang pinaiigting ang mga ugat nito para ipakita ang tikas sa pakikipaglaban pero parang nawalan ng dugo at ayaw na talagang sumaludo. Sumuko na sa pakikipaglaban?

“Ayaw, Dick?’’

“Gusto, Jinky.’’

“Pero wala ah…’’

Hanggang sa huli ay ayaw na talagang bumangon ang sundalo. Parang hapung-hapo at animo’y nanggaling sa death march sa Bataan.

Hiyang-hiya si Dick. Unang pagkakataon sa kanyang buhay na hindi naipagkaloob ang gusto ng anak ni Eba.

Erectile dysfunction? Iyon ang tawag sa hindi tinatayuan. Pero bakit? Bata pa naman siya. Wala namang sakit. Ang alam niyang may erectile dysfunction ay yung may diabetes at sakit sa puso. Hindi raw dumadaloy sa ugat ang dugo kaya nanlalambot.

Masyado kaya niyang nagamit noon kaya nawalan na ng gana ngayon? Ilang babae na rin kasi ang nakarelasyon niya. Ang auntie ni Jinky na si Puri ang huling babae na pinaligaya niya. Walang masasabi si Puri sa performance niya. Talagang ibinigay niya ang lahat.

Napabuntunghininga si Dick.

Biglang bumangon si Jinky at nag-panty. Nagsuot ng damit at lumabas ng kuwarto.

(Itutuloy)

 

Show comments