Lampong (334)

W ALANG kakupas-kupas si Jinky. Walang pagbabago sa magandang hubog ng katawan nito. Impis­ na tiyan. Malantik na baywang. Malulusog na suso. Naalala ni Dick nang makita si Jinky noong estudyante pa lamang ito at nakatira sa tiyahing si Puri. Naliligo ito. Nakita niya ang kabuuan nito. Noon pa ay may nadama na siyang pagnanasa kay Jinky. Pero dahil mahal niya si Puri, hindi niya magawang pakialaman si Jinky. Alam niya na nagpapakita na si Jinky ng motibo sa kanya. Siya lamang ang tumatanggi sa kagandahan.

“Jinky!”

“Bakit Dick?”

“Napakaganda mo Jinky. Napakasuwerte ko talaga.”

“Titingnan mo lang ba ako, Dick?”

“Siyempre hindi. Kilala mo ako, Jinky.’’

“Ipakita mo sa gawa, Dick.’’

“Hinahamon mo ako, Jinky.’’

“Oo hinahamon kita, Dick.’’

Sapat iyon para kumilos si Dick. Lumapit siya kay Jinky. Ikinulong ito sa kanyang mga bisig. Parang sawang nilingkis si Jinky. Mainit na mainit ang singaw ng kanilang katawan. Parang nagbabaga.

“Dick…’’

Ang boses ni Jinky ay parang sa isang nagmamakaawa --- nagmamakaawa na ituloy ang anumang balak ni Dick.

At hindi tanga si Dick para hayaan si Jinky na mauhaw sa kanyang ipagkakaloob. Talagang nakahanda siya na ipagkaloob ang lahat kay Jinky.
Alam na ni Dick ang gagawin. Siya pa ba ang magkakamali sa ganoong pagkakataon e ma­rami na siyang nakarelasyon. Hindi na mabilang ang mga babaing dumaan sa kanyang mga kamay. At itong si Jinky ang magsasawa ng mga makukulay niyang karanasan. Beterano na siya sa labanan. Maraming paghahamok na ang kanyang sinuong.

At dito kay Jinky niya ibi­bigay ang hindi malilimutang pagsabog.

“Dick, Dick!”

Hindi na niya inintindi ang pagsasalita ni Jinky. Alam niya na gustung-gusto na rin ni Jinky. Hindi ma­dalas ang kanilang pagniniig nitong mga nakaraang araw dahil sa pagiging abala nila sa negosyo. At inaamin niya na dahil sa matinding pagod ay hindi na niya nagagawang paligayahin si Jinky.

Pero ngayon ay babawi siya. Hindi niya hahayaang mauhaw ang asawa.

Pero tila ang pagmama­dali ni Dick ay may masamang epekto. O sad­yang pagod siya. Bakit tila nanghihina siya. Bakit hindi lumalaban ang sundalo niya?

(Itutuloy)

Show comments