Lalaki, nagbalat-kayong matanda; Nabuking dahil hindi kulubot ang mga kamay

WALANG perpektong krimen. Kahit gaano pa kaingat, maaari pa ring mabunyag ang itinatago.

Gaya nang nangyari sa isang lalaking taga-Hong Kong na sa kagustuhang makarating sa Vancouver, Canada ay nagpagawa ng special na maskara ng matanda para makasakay sa eroplano. Boarding pass ng isang US citizen na ang edad ay 55-anyos ang kanyang ginamit. Nangyari ang insidente noong 2010.

Tagumpay na nakapasok ng Air Canada flight no. AC018 ang lalaki. Walang nakahalata sa kanya. Sa loob ng eroplano ay prenteng-prente siya sa pagkakaupo at nagpapabalik-balik sa comfort room. Hindi siya nahahalata ng kanyang mga katabi sa upuan. Ang akala ay talagang matanda siya.

Subalit lingid sa lalaki, may nakapansin sa kanyang pasahero. Nagtaka ang pasahero sapagkat ang kanyang mga kamay ay hindi kulubot o kapareho ng kanyang mukha. Ang balat sa kamay ay parang sa 20-anyos at hindi sa isang senior citizen.

Ipinagbigay alam sa mga crew ng eroplano ang napansin sa lalaki. Pagbaba ng eroplano sa Vancouver airport ay itinimbre sa Immigration official at inaresto ang lalaki.

Nang alisin ang maskara ng lalaki, napag-alaman na 20-an-yos lang ito.

Hanggang sa kasalukuyan, nasa Vancouver prison pa ang nagbalat-kayong lalaki at naghihintay sa ni-request na refugee protection. (www.oddee.com)

Show comments