ANG babae ay nagkaroon ng isang malalang sakit noong bata pa kaya’t nang siya ay siyam na taong gulang, bigla siyang nawalan ng paningin. Ito ang naging dahilan kung bakit galit siya sa kanyang sarili…sa mundo, maliban sa kanyang boyfriend na labis na nagmamahal sa kanya.
Isang araw ay binalitaan siya ng kanyang doktor na may nag-donate sa kanya ng mata. Halos malunod siya sa tuwa dahil sa wakas, matutupad na rin ang pangarap niya na magpakasal sa kaisa-isang lalaki na minahal niya at tunay na nagmamahal sa kanya. Ang pangako kasi niya sa nobyo ay magpapakasal sila oras na magkaroon na siya ng paningin.
Nagtagumpay ang operasyon sa kanya kaya’t pagkalabas sa ospital ay ang nobyo niya ang unang hinanap. Ang init ng damdamin na nadadama niya noong hinahanap niya ang nobyo ay tila binuhusan ng yelo nang makita niyang bulag din pala ito! Hindi niya napigilan ang sarili.
“Niloko mo ako. Bakit hindi mo inamin na bulag ka rin pala! Ayoko nang magpakasal sa iyo! Hindi ako nagpaopera ng mata para maging tagapag-alaga ng isang bulag.â€
Mula noon ay hindi na nagpakita ang babae. May nanligaw sa kanya at nang lumaon ay nagplanong magpakasal. Isang araw bago magpakasal ay binisita siya ng dating nobyo upang ibigay nang personal ang regalo nito. Bago umalis ay hindi makapaniwala ang babae sa kanyang narinig:
“Good luck honey, just take care of my eyes.â€