ISANG gabing malakas ang ulan, may matandang mag-asawa na dumating sa lobby ng isang maliit na hotel sa PhilaÂdelphia, USA. Nilapitan nila ang front desk at nag-request ng isang kuwarto para lang sa buong magdamag. Ang clerk na naka-duty ay magalang na nagpaliwanag na may tatlong conventions na naganap nang araw na iyon kaya okupado ang lahat ng kuwarto.
Tumingin ang clerk sa relo. “Ala-una na po ng madaling- araw at malakas pa ang ulan sa labas. Ayokong mahirapan kayo sa paghahanap ng hotel. Kung okey lang sa inyo, iaalok ko po ang aking kuwarto, hindi po kasingganda ng totoong suite ng hotel pero komportable naman tulugan.â€
“Pero paano ka? Saan ka matutulog?†may pag-alalang sabi ng matandang lalaki.
“Huwag na ho kayong mag-alala. Lalaki ako at puwede kahit saan matulog.â€
Kinabukasan, matapos magbayad ang mag-asawa ay nagpasalamat sila sa clerk. Ang sabi ng matandang lalaki, “Ang mga katulad mo ang dapat kinukuhang tagapamahala ng malaÂlaking hotel. Balang araw ay magpapatayo ako ng hotel at ikaw ang kukunin kong manager.â€
Lumipas ang dalawang taon at nakalimutan na iyon ng clerk. Minsan ay nakatanggap siya ng liham mula sa matandang lalaki. Pinaalala nito na sila ’yung matandang mag-asawa na pinatulog niya sa kanyang kuwarto. Ang liham ay may free round ticket sa New York dahil gusto ng matanda na magkita sila. Matapos magkita ang dalawa, isinama niya ang clerk sa kanto ng Fifth Avenue at 34th Street.
“Ang nakikita mong bagong building ay hotel na itinayo ko para pamahalaan mo.â€
“ Sir, kung hindi ka nagbibiro ay nananaginip siguro ako…â€
“Totoo ang aking sinasabi at gising na gising tayo pareho.â€
Ang pangalan ng matandang lalaki ay William Waldorf-Aster, at ang building na tinutukoy ay ang original na Waldorf-Astoria Hotel. Ang hotel clerk ay si George C. Boldt na naging pinakaunang manager ng one of the world’s most glamorous hotels.
“Don’t be afraid to reach and touch someone’s life, you never know who’s heart you may be touching.â€