Sa aming tahanan wala kaming aircon
Pero bentilador naikot maghapon;
Tinitiis namin init ng panahon
Sa bahagyang hangin ay ok na rin ‘yon!
Aking bentilador sa loob ng kwarto
Hangi’y tumatama sa may bandang ulo;
Init ng panahon naiiwasan ito’t
Nalalamigan din ang maraming libro!
Sa aking likuran maraming diploma
Na mga parangal sa aking pagtula;
Sa dampi ng hangin hindi naluluma
Kaya paglapit ko’y nagiging sariwa!