KAPAG nabutas na ang kaban ng bigas at kumalat na ito sa lupa susubukan mong pulutin kung anuman ang pwedeng mapakinabangan upang iyong maisaing at kainin.
“Akala ko kapag pinirmahan ko yun makukuha ko na ang pera kaya agad kong ginawa. Yun pala puro lang pangako ang mapapala ko sa kanila,†simula ni Maricel.
Nagtungo sa aming tanggapan si Maricel Santos, 40 taong gulang, nakatira sa Idelfonso, Bulacan. Humihingi siya ng tulong para makuha ang ‘cash bond’ at ‘separation pay’ ng kanyang asawang si Gerry Santos. Dating konduktor sa Roval Transport bus company si Gerry. Sampung taon siyang nagtatawag ng pasahero at nagbibigay ng tiket sa mga ito. Isang araw dumura ng dugo si Gerry, bagay na ikinabahala ng mag-asawa kaya noong Hulyo 2012 nag-leave siya sa trabaho. Nang magpatingin sa doktor napag-alaman nilang may bukol siya sa kaliwang leeg. 5x7 cm ang laki nito. ‘Pharyngeal cancer’ (kanser sa lalamunan) ang sakit na lumabas sa resulta ng eksamin.
“Wala naman kaming napansing mga palatandaan. Hindi naman siya malakas manigarilyo at uminom,†wika ni Maricel.
Hindi na nakabalik si Gerry sa trabaho dahil sa sitwasyon. Ang mga kapatid ang tumulong sa kanyang pagpapagamot. Ang kaunti nilang naipon na mag-asawa ang ginamit nila sa pang-araw araw na gastusin. Isang araw… paggising ni Maricel nakita niyang namanhid ang katawan ni Gerry. Hindi ito makakilos, namimilipit sa sakit kapag ginagalaw ang katawan.
“Inaaya namin siya sa ospital pero talagang ayaw niya. Masakit daw ang katawan niya kapag nagagalaw,†salaysay ni Maricel. Hindi nila napilit si Gerry na muling magpatingin sa doktor. Enero 18, 2013 hindi na nagising si Gerry. Ika-22 ng Enero siya inilibing. Ang mga nakuha nilang tulong sa mga nagpunta ng burol ang ginamit nilang panggastos sa panga-ngailangan nilang mag-ina dahil wala namang trabaho si Maricel. Inisip ni Maricel kung saan
sila kukuha ng pera panggastos dahil si Gerry lang ang nagtatrabaho sa kanila. Agad niyang inasikaso ang mga kailangan niyang gawin. Nagpunta siya sa Social Security System (SSS) para i-claim ang kanyang burial benefits. Makalipas ang isang linggo…dalawampung libong piso ang naibigay sa kanya ng SSS. Buwan ng Pebrero nagpunta naman siya sa opisina ng Roval. Nakausap niya ang ma-nager nito na si Arnel Manaog.
“Kinukuha ko yung separation pay at cash bond ng mister ko pero hindi naman nila ibinibigay. Pinababalik-balik lang ako,†wika ni Maricel. Bago matapos ang buwan ng Pebrero muling nagbalik sa tanggapan ng Roval si Maricel.
“Akala ko ibibigay na nila ang cash bond kaya pumirÂma ako ng resignation,†kwento niya. “Tatawagan ka na lang. Hindi pa kasi ito napag-uusapan sa meeting,†sabi umano sa kanya ni Arnel. Gustong makuha ni Maricel ang cash bond at separation pay ng asawa para magamit nilang mag-ina. Wala siyang trabaho at ang natitirang ipon na lamang nila noon ang kanyang ipinangtutustos sa pamilya. “Palagi lang nilang sinasabing bumalik ako. Hindi naman nila natutupad ang sinasabi, lagi lang akong pinapaasa,†ayon kay Maricel.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Maricel. PARA SA ISANG PATAS NA PAMAMAHA-YAG tinawagan namin si Arnel Manaog ang manager ng Roval Transport. “Meron na po ka-ming usapan. Pumunta na siya sa NLRC nung February, ibibigay na ang cash bond siya ang hindi sumipot,†paliwanag ni Arnel.
Ayon din sa kanya ang maibibigay nila kay Maricel ay ang sampung libong pisong cash bond ng asawa at ang apat na libong pisong tulong mula sa kompanya sa pagkamatay nito.
“Pwede siyang pumunta sa opisina namin para makuha niya ang pera,†dagdag ni Arnel. Kinabukasan matapos nilang mag-usap sa radyo agad na nagsadya si Maricel sa tanggapan ng Roval. Napagkasunduan na magkikita sila sa National Labor Relations Commission (NLRC) at duon ibibigay ang pera. Lutas agad ang problema!(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.