T INAMAAN sa tagiliran si Tanggol. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa baril at para siyang nauupos. Pero malinaw niyang nakikita si Pac na unti-unting humahakbang palapit sa kanya.
“Tanggol!†Sigaw ni Jinky.
Ang sigaw ni Jinky ang nagbigay ng lakas para makita ang paparating na kamatayan. Bago muÂling nakalabit ni Pac ang baril ay nasugod niya ito. Ginamitan niya ng ulo sa pagsugod. Sapol sa sikmura. Natumba. Iyon ang pagkakataon niya. Hindi na niya pakakawalan. Kailangang tapusin na ang laban.
“Tanggol, saluhin mo ito!†Sabi ni Jinky.
Ang arnis na Kamagong na gamit niya ang inihagis ni Jinky. Mabilis niyang nasalo ang Kamagong. Pagkaraa’y walang puknat na hataw ang ginawa niya kay Pac. Tumalsik ang baril sa paghataw niya. Sunod ay ang malakas na hataw sa katawan ni Pac. Isa, dalawa, tatlo…
Hindi na kumilos si Pac. Napatay na yata niya. Hindi siya nagsisisi. Mas maÂbuting mamatay ang isang salot para hindi na magsabog pa nang lagim.
“Tanggol! Tanggol!â€
Mabilis na lumapit si Jinky. Niyakap siya.
“Salamat, Tanggol.â€
“Dalhin mo ako sa ospital, Jinky. Marami nang nawawalang dugo sa akin. Nanlalabo na ang mga mata ko… Jinky dalhin mo na ako….†Pagkasabi niyon ay nawalan ng malay si Tanggol.
“Tanggol! Tanggol!â€
Nagsisigaw na si Jinky. Humingi ng tulong.
“Saklolo! Tulungan n’yo kami!â€
Hanggang sa makaÂrinig si Jinky ng mga taong paparating. Nakita niya si Mulong na may mga kasamang PDEA agents.
“Mulong si Tanggol, may tama!â€
Mabilis na lumapit sina Mulong. Binuhat si Tanggol. Sumama na si Jinky sa pagdadala kay Tanggol sa ospital.
Ang ilang PDEA agents ay naiwan at sinuri si Pac.
“Buhay pa ito!†sabi ng agent.
(Itutuloy)