ILANG ulit pang kinalabit ni Jinky ang baril pero wala talagang bala. NapagÂlalangan siya ng demonyo. Kaya pala walang takot na idispley ang baril.
Pero malakas na ang loob ni Jinky. Ngayon pa ba siya matatakot? Inihampas niya ang baril sa ulo ni Pac. Pero nakailag ang demonyo. NaÂgalit. Matalim ang mga mata.
“Akina nga ’yan!†Sabi ni Pac at hinablot ang baril. Itinapon sa sulok ng silid.
“Hindi ka pala dapat pagtiwalaan. Akala ko, paÂyag ka nang maging reyna ko, yun pala nag-aartista ka lang. Gusto mo pa akong patayin kung sakali. Pero sorry ka na lang dahil mas mautak ako. Iniisip mo pa lang ay alam ko na iyon. Hindi ako katulad ng siyota mong pulpol. At ngayong nalaman ko na traidor ka, kamatayan din ang kahahantungan mo. Pero uunti-untiin ko ang kamatayan mo. SiyempÂre kailangan ko munang magsawa sa’yo…’’
“Patayin mo na akong demonyo ka. Patayin mo na ako!â€
Sinampal siya ni Pac. Masakit. Unti-unting uminit ang pisngi niya. Sapat iyon para lumaban na siya. Kinalmot niya ito sa mukha. TinadÂyakan. Suntok dito, suntok doon ang ginawa niya.
Pero anong magagawa niya sa malakas na si Pac?
Isa pang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya. Masakit. Mainit.
“O anong masasabi mo?†tanong ni Pac.
“Demonyo ka!â€
Lalong nagalit.
“Papatayin na talaga kita!â€
“Hindi na ako natatakot. Patayin mo na ako.’’
May dinukot sa kanyang bulsa si Pac. Lanseta.
“Ito ang gagamitim ko sa’yo. Tingnan ko kung makapagmura ka pa rito. Alam mo kung ano ang aalisin ko para ka hindi makapagmura?’’
“Gawin mo, demonyo ka!â€
“Talagang ginagalit mo ako, ha?â€
Kumilos si Pac. HiÂnaÂwakan sa kamay si Jinky. Pagkatapos ay sa buhok.
Pero bago naisagawa ang balak, biglang bumukas ang pinto.
“Blag!â€
(Itutuloy)