Magnanakaw gumawa ng tunnel; Banko, nanakawan ng 40-M Euros

NOON pa uso na ang pagnanakaw sa mga banko at jewelry stores sa pamamagitan ng paggawa ng tunnel. Pero kanya-kanyang style ang mga magnanakaw para hindi mahalata na naghuhukay sila patungo sa banko.

Kakaiba ang ginawa ng mga magnanakaw sa isang banko sa Brazil at hanggang ngayon, hindi pa sila nahuhuli. Per­pekto ang pagkakagawa ng krimen. Nangyari ang pagnanakaw noong Agosto 2005.

Unang ginawa ng mga magnanakaw para hindi sila mabuking ay naglagay ng store sa harap ng banko. Nagkunwari silang nagbebenta ng artificial grass. Nagpa-advertise pa sila sa diyaryo para ma-promote ang kanilang negosyo. Nagpagawa sila ng baseball caps para maging kapani-paniwala ang kanilang negosyo.

Habang busy ang ibang miyembro ng magnakaw sa kunwaring artificial grass store, sa likod ng tindahan ay may mga naghuhukay patungo sa isang banko sa kabilang panig ng kalsada.

Nang matapos ang tunnel, eksakto ito sa vault ng banko. Nilimas nila ang laman ng vault. Nasa 40 million Euros ang natangay nila.

Nakilala ang lider ng magnanakaw --- Paulo Sergio, pero hindi pa siya nahuhuli hanggang ngayon. (www.oddee.com)

Show comments