ITO ang tanong na iniisip ko nitong mga nagdaang linggo. Lumalaki na si Gummy at kailangan ko nang simulan ang pagpapatupad ng disiplina upang hindi siya lumaking spoiled. Pero marahil bago ako maging maayos na ina sa kanya ay dapat maayos muna ako bilang tao. Naalala ko kasi ang pahayag ni Pastor Peter Tanchi - ang iyong mga anak ay magiging tulad mo kung ano ka ngayon. Kaya kung may kailangan kang baguhin, baguhin mo na. Ang lahat ng aksyon mo ngayon ay magre-reflect sa iyong anak sa hinaharap. Kaya naitanong ko, paano ba ako magiging mabuting magulang kay Gummy?
Tamang-tama naman na nakita ko sa bookstore ang librong “The rules of parenting.†Katulad ito ng “Rules of life†na sinulat ko noong 2011. Narito ang ilang tips:
1. Relax. Sabi ng may-akda na si Richard Templar, ang mga pinakamagagaling na mga magulang ay yung mga relaxed lamang sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Yung mga hindi masyadong metikoloso sa kalinisan, kaayusan etc. Ang mga bata ay dapat lamang na gumugulong, narurumihan, nasusugatan paminsan at maiingay at marumi ang mga kamay at damit at okay lamang iyon. Hindi lahat ng bagay ay dapat na sineseryoso at minamanipula. Ayon sa kanya, ang mga magulang na stressed sa pagiging magulang ay hindi nagiging epektibong magulang. Sagabal ang stress o hung-ups nila sa buhay upang maging best parent sa kanilang anak.
2. Walang perpekto. In as much as gustuhin naming maging perpektong mga magulang upang makapagpalaki ng mga matitinong anak, hindi iyon mangyayari dahil walang perpekto. Isipin mo kung naging perpekto ang iyong mga magulang, naging masaya ka kaya bilang bata habang lumalaki? Ano ang perpekto? Siguro yaong puro libro, puro aral, puro leksyon, bawal ang umangal, sumagot at maglaro at mapuyat. Bawal kumain ng junk food o tumikim ng softdrinks o ngumuya ng bubble gum. Boring di ba? Malungkot, oo. At bagamat tayo ay nagÂlalagay ng mga rules na dapat sundin ng ating mga sarili, hindi dapat sumama ang loob natin kung hindi natin ito laging makakamtan. Kailangan nating mga magulang magkamali upang maituro sa mga anak ang gagawin kapag sila ang magkamali. Kailangan nating ipaÂkita sa kanila na hindi hadlang ang pagkakamali para magÂtagumpay sa buhay.
3. Huwag magkumpara. Alamin kung saan ka maga-ling. Ang mga magulang gustong gawin ang lahat para sa anak. Gusto nating tayo ang kanilang maging unang idol at pinakamagaling sa kanilang mga mata. Ngunit hindi naman ito posible. Kung nakikita ng anak mo na ang tatay ng kanyang kaklase ay magaling sa basketball, huwag kang ma-pressure na maging magaling din dito kung hindi ka naman talaga magaling. Huwag magpanggap. Bagkus, pagbutihin ang mga bagay na magaling ka na. Kunwari ay magaling ka sa pagkukuwento gamit ang mga props o iba’t ibang boses. Hindi kailangang maging magaling sa lahat.