“MAY chimney ang kamalig. Baka nga yan ang shabu lab, Raul,’’ sabi ni Tanggol habang tinatanaw nila ang kamalig.
“Hindi po yan ang nakita ko nang minsang magpunta rito. Malaking bahay din iyon pero napapalibutan nang mataas na pader. Maraming guwardiya kaya mahirap makapasok ang sinuman.’’
“Ibig mong sabihin, hindi iisa ang kamalig na ito?’’
“Opo. Baka yang nakikita nating yan ay front lamang.’’
Napatango si Tanggol.
Nakita nila na may dalawang lalaking guwardiya sa entrance ng kamalig. May baril ang dalawang lalaki. Mahaba ang baril.
“Paano tayo makakapasok sa loob ng kamalig, Raul?’’
“Mas maganda ay magÂhintay tayo ng dilim, Sir Tanggol. Delikado kung ngayon natin papasukin ang kamalig. Raratratin tayo ng mga ‘yan. Ang utos ni Pac sa mga taong magtatangkang pumasok ay ratratin. Kapag nahuli nang buhay, isilid sa drum at saka sementuhan at ihulog sa balaas.’’
“Anong balaas?’’
“Parang kumunoy po sa gitna ng palayan.’’
‘‘Ang lupit pala ng hayop na si Pac. Kaya hindi tayo pahuhuli nang buhay. Lalaban tayo sa kanila.’’
“Iyon po ang dapat, Sir Tanggol. Gawin na natin ang lahat para makaligtas.’’
Nagbigay ng suhestiyon si Mulong.
“E kung sa likod kaya tayo magdaan, Raul?†Tanong nito.
“May guwardiya rin sa likod, Mulong.’’
“Hintayin natin na dumiÂlim,†sabi ni Tanggol.
“Kapag alas-sais po ay kumakain ang guwardiya. Naghahalili sila,†sabi ni Raul. “Lalansihin natin ang maiiwang guwardiya.’’
‘‘Igagapos natin, Raul.’’
‘‘Opo.’’
Ganoon nga ang nangyari. Nang kumain ang isang guwardiya, palihim nilang nilapitan ang naiwang guwardiya. Dahan-dahan sila. Nakahanda na ang pambusal sa bibig para hindi makahingi ng saklolo.
Tagumpay nilang naisaÂgawa iyon. Ni hindi nakapiyok ang guwardiya. Iginapos nila ang guwardiya.
Nakapasok sila sa loob ng kamalig. Nagulat sila sa natuklasan. Shabu lab nga ang kamalig! Maraming nakaimbak na droga.
(Itutuloy)