Relihiyon ba ito?

Ang lahat ng tao’y nilikha ng Diyos

upang sa Kanya ay sumamba’t maglingkod;

Mayrong nagdarasal na tapat sa loob

at may sumasambang kaaway ng Diyos!

 

Saka ang problema mga tao ngayon

iba’t ibang diyos pinapanginoon:

Tingin sa sarili higit pa sa gayon

kung kaya marami ang nagiging busong!

 

May mga tao pang ang mga pangaral

ay waring saliwa sa magandang asal;

Ang utos ng Diyos sila ay magdasal

dinadasal nila’y pansarili lamang!

 

At ang masama pa sila raw ay anak

ng totoong Diyos may mabuting balak;

Nagtayo ng kanyang relihiyong bulagsak

sapagka’t pera lang ang talagang hangad!

Show comments