Lalaki, gumawa ng sariling dialysis machine, 13-taon na niyang ginagamit

HINDI na kaya ni Hu Songwen ng East China ang mataas na singil ng ospital para sa kanyang dialysis kaya naisipan  niyang gumawa ng sariling dialysis machine. Si Hu ay may kidney disease. Nasa kolehiyo siya nang matuklasan ang kanyang sakit. Anim na taon din siyang nag-dialysis sa ospital hanggang naubos na ang kanyang savings.

Naisipan niyang gumawa ng dialysis machine sa pamamagitan ng kitchen utensils at lumang medical instruments. Nang matapos ang kanyang imbensiyon, walang ipinagkaiba iyon sa external kidney. May dalawa itong compartments na konektado sa membrane. Ang dugo ay binobomba sa kalahati ng machine at ang dialysis fluid ay sa isa pang kalahati ng machine. Ang dialysis fluid ay pinaghalo-halong potassium chloride, sodium chloride at sodium hydrogen carbonate (bicarbonate) sa purified water.

Ini-insert ni Hu ang dalawang tubes mula sa dialysis machine patugo sa kanyang braso. Ang dugo ay lalabas mula sa kanyang braso sa pamamagitan ng isang tube, ipi-filtered ito at saka babalik sa kanyang katawan sa pamamagtan ng isa pang tubo.

Dahil sa kanyang homemade dialysis machine, patuloy na nadadadagan ang kanyang buhay. Labintatlong taon na niyang ginagamit ang machine.

Show comments