Clifton Bridge sa North Somerset, England – Tinatayang 500 suicides na ang ginawa sa tulay na ito. Isa ito sa mga pinaka-matandang tulay sa England.
Isa sa mga pinag-usapang suicide attempt sa tulay na ito ay ang kay Sarah Henly. Nangyari ang tangka niyang pagpapakamatay 120 taon na ang nakararaan.
Dalawampu’t dalawang taong gulang si Sarah nang mangyari iyon. Nakatanggap si Sarah ng sulat mula sa kanyang nobyo na nakikipag-break. Tinatapos na ang kanilang pagmamahalan. Natulala si Sarah.
Sa bigat ng problemang dinadala at depression, naisip niyang magpakamatay. Nagtungo siya sa Clifton Suspension Bridge at agad tumalon. Nang umagang iyon, malakas ang ihip ng hangin. Pumasok ang hangin sa palda ni Sarah at lumobo iyon. Nagmistulang parachute ang palda at naging daan para bumagal ang pagbagsak niya sa tubig. Nailigtas siya. Nabuhay nang matagal si Sarah. Nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak. Namatay siya noong 1948 sa gulang na 84.
Ang kagila-gilalas na pagtalon ni Sarah sa Clifton Bridge ay isang alamat at nakatala sa official history ng nabanggit na tulay.