NAKAKITA na ba kayo ng tao na sobra ang tangkad at tila hindi ito proportion sa laki ng kanyang katawan? Maaaring ang taong iyon ay may sakit na Acromegaly.
Nagkakaroon ng Acromegaly kapag ang pituitary gland ay abnormal na nag-produce ng excess growth hormone. Ang glandula ay apektado ng tumor kaya nadedebelop sa biktima ang hulking proportions. Parang ‘‘Incredible Hulk’’ ang itsura ng may Acromegaly. Hindi mapigilang ang pagtangkad at paglaki ng katawan.
Bukod sa paglaki ng katawan, nadedebelop din sa may sakit na Acromegaly ang maumbok na panga at ang mga ngipin ay tila napakatitigas.
Ang halimbawa ng taong may Acromegaly ay si Andre the Giant. Ang height niya ay 7’4’’ at ang timbang ay 225 kilograms. Namatay si Andre sa edad na 46. Nagkasakit siya sa puso. Hindi nakaya ng kanyang puso ang paglaki ng kanyang katawan.