Ang bata

Bakit ba ang bata’y alagang-alaga

Ng mga magulang na ama at ina?

Kapagka ang bata’y naapi’t nawala

Mga magulang din unang lumuluha!

 

Matandang kapatid ay nakaalalay

Sa bunsong kapatid karugtong ng buhay;

Kapag umiiyak o kaya’y nasaktan

Musmos pang kapatid pinagyayaman!

 

Madaling sagutin ang tanong na bakit

Mahal ng magulang at mga kapatid

Mga batang musmos, maganda ma’t pangit-

Sila ay karugtong ng buhay, pag-ibig!

 

At ang mga bata habang lumalaki

Hangad ng magulang sila ay matangi –

Mag-aral nang husto at maging mabuti

At maging huwaran sa bawa’t sandali!

Show comments