Mga bahay na nawasak dahil sa mga hindi inaasahang bagay…

SINAGASAAN NG MOTOR BOAT – Tatlong miyembro ng pamilya ang himalang nakaligtas makaraang sagasaan ng isang motorboat ang kanilang bahay na inuupahan sa Fort Myers. Nagbabakasyon ang mag-anak nang maganap ang pagsagasa.

Ayon sa report, hinihila ang motorboat ng isang trailer truckl nang matanggal ito sa pagkakakabit at bumangga sa duplex ng pamilya. Ang mga kapitbahay na nakakita ay hindi makapagsalita sa pagkabigla. Agad namang may nakatawag sa 911 at nireport ang pangyayari.

 

NABAGSAKAN NG EROPLANO – Isang bahay sa Santa Monica, California ang nawasak makaraang mabagsakan ng Cessna 172 airplane. Himalang walang nangyari sa mga nakatira sa bahay. Wala ring nangyari sa mga bata na nagba-bike sa di-kalayuan. Ang piloto ang nagkaroon ng pinsala sapagkat nabali ang kanyang binti.

Hindi masabi ng Federal Aviation Administration kung ano ang dahilan ng plane crash. Iimbestigahan pa raw ang pangyayari.

 

NASAGASAAN NG TRACTOR – Isang farm tractor ang sumagasa sa isang bahay, mga kotse at taxi sa Exhall, Coventry, England. Grabeng nawasak ang bahay at ganundin ang kotse at taxi.

Una munang sinagasaan ng tractor ang taxi at sumunod ang kotse at pagkatapos ay ang bahay na ang inararo. Himalang walang namatay sa occupants ng bahay dahil walang tao roon.

Ang drayber ng taxi ay nagkaroon lamang ng minor injuries. Hindi naman nabanggit ang drayber ng tractor na umano’y tumalon nang nagaganap ang pana­nagasa.

Show comments