Lampong (231)

“SIGE, Tina matulog ka na. Ako nang bahala rito. Kukuwentahin ko lang mga nagastos ng itikan…” sabi ni Jinky at tinungo ang pinaka-opisina nito.

Sa halip namang matulog, palihim na tinungo ni Tina ang kuwartong pinagtataguan ni Dick. Kailangang malaman ni Dick ang mga nangyayari. Hindi alam ni Tina, narinig na ni Dick ang mga sinabi ni Pac.

“Sir Dick! Sir Dick! Si Tina po ito. Buksan mo po ang pinto.”

Binuksaan ni Dick. Pumasok si Tina.

“May binabalak po si Pac, Sir Dick. Delikado po si Mam Jinky.’’

“Narinig ko ang usapan nila kanina. Akala ko nga may gagawing hindi maganda ang Pac na iyon. Naghanda na nga ako sa maaaring mangyari.’’

“Natatakot po ako may gawain na hindi maganda si Pac at Momong. Nagbanta e.”

“Bago nila mahawakan si Jinky, dadaan muna sila sa akin. Magkakaalaman na kung sino ang matibay. Hindi ko sila aatrasan.”

“Ang problema Sir Dick ay aalis nang maaga si Mam Jinky. Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan niya. Paano kung habang patungo siya sa pupuntahan ay sundan siya ni Pac. Baka kung ano ang gawin niya.”

“Walang ibang paraan kundi ang lumabas ako rito, Tina.”

“Susundan mo po si Mam Jinky?”

“Oo. Delikado nga na sundan siya ni Pac at Momong. Ma­aaring kidnapin siya at gaha- sain at baka pat….”

“Diyos ko!”

“Anong oras daw aalis bukas si Jinky?”

“Umaga raw po.”

“Katukin mo ako kapag aalis na siya. Tatlong mahihinang katok ang gawin mo at alam ko nang ikaw yun.”

“Sige po.”

“Susundan ko siya kahit saan magpunta.”

“Kung mag-disguise ka po para hindi malaman ni Mam Jinky na sinusundan mo siya.”

“Paano, Tina?”

“May wig po ako. Puwedeng gamitin mo kung sakali.”

“Sige.”

Kinabukasan, narinig ni Dick ang tatlong mahihinang katok. Si Tina. Ibinigay sa kanya ang wig na gagamitin sakaling maghinala si Jinky.

“Mag-ingat ka po, Sir Dick.”

“Oo. Salamat, Tina.”

Sinundan niya si Jinky. Hindi niya alam kung saan ito papunta.

(Itutuloy)

Show comments