Nag-abandona sa 15 Chihuahuas pinaghahanap, maaaring makulong ng 6 months

NAGULAT ang mga namamahala sa Pasadena Animal Shelter, Pasadena, California nang makita sa harapan ng kanilang pinto ang 15 Chihuahuas.

Agad nilang pinanood ang CCTV para makita kung sino ang responsable sa pag-abandona sa 15 Chihuahuas. Pero tanging ang monogrammed blanket at video ng isang truck na paalis sa lugar ang nakita.

Ayon sa mga awtoridad, ngayon lamang daw nangyari na may nag-abandona ng Chihuahuas.

Nahaharap sa kaparusahan ang sinumang nag-abandona sa Chihuahuas. Sa ilalim ng Californian Penal Code Section 597S, ang sinuman na mag-abandona ng hayop ay magmumulta ng $500 at mabibilanggo ng six months.

Pinarurusahan din ang mga may-ari ng aso na hinahayaang tumahol nang tumahol. Nakasisira sa katahimikan ang pagtahol ng aso. Mapaparusahan ng six months na pag­kabilanggo at multang $1,000 ang may-ari ng aso.

Show comments