LAGANAP ang illegal drugs ngayon. Maski sa mga liblib na lugar ay nakaaabot ang droga. Maski ang mga lugar na wala pang kuryente at kalsada ay naunahan pang marating ng droga. Ganyan kabilis ang pagÂlaganap ng droga. Shabu, marijuana, ecstacy at kung anu-ano pang droga ang namamayani at ginaÂgawang halimaw hindi lamang ang mga kabataan kundi pati mga propesyunal, artista, athletes, pulis, traysikel at jeepney drayber at marami pang iba. Pawang mga Chinese ang nag-ooperate ng shabu laboratories sa maraming panig ng bansa partikular sa Metro Manila. Marami nang nadakip na Chinese drug traffickers pero nakakatakas dahil sa malaking halaga ng pera. Merong Chinese drug traffickers na itinatakas kapalit nang malaking halaga ng pera. Tulad nang nangyari sa Trece Martires City, Cavite dalawang linggo na ang nakararaan. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang tatlong drug traffickers.
Maski mga college athletes ay gumagamit din ng droga. Nakakalungkot sapagkat sila ang dapat magÂbigay halimbawa sa mga kapwa estudyante para umiwas sa masamang bisyo pero sila pa pala ang gumaÂgawa nito. Noong nakaraang linggo dalawang varsity players ng Far Eastern University ang naÂaktuhan ng MPD policemen na humihithit ng marijuana sa Nicanor Reyes St. corner Claro M. Recto Ave. hindi kalayuan sa kanilang school. Ang dalawa ay nakilalang sina Anthony Hargrove, 21 at Adam Mohammad, 22. Kinasuhan umano ang dalawa.
Dahil sa nangyari, sinabi ng Philippine Drug EnforceÂment Agency (PDEA) na dapat sumailalim sa drug test ang mga college athletes. Dapat maging eye-opener sa mga school ang nangyari.
Nararapat lang na isailalim sa drug test ang mga athlete. Sila ang dapat maging halimbawa ng kapwa estudyante. Dapat nilang i-promote ang clean living kaya nararapat nilang itakwil ang illegal na droga.