Mga bagay na babawiin kay Pope Benedict XVI

… pagkatapos niyang magbitiw sa tungkulin. Ecclesiastical goods ang tawag sa mga gamit na isinasauli ng Papa kapag natapos na ang kanyang pamumuno sa Simbahang Katoliko:

Papal Ring—Ang tawag din dito ay Fisherman’s ring. Nakaukit sa gold ring ang mukha ni St. Peter at pangalan ni Pope Benedict (o pangalan ng kasalukuyang nakaupong Papa). Ang bawat Papa ay itinuturing na kahalili ni St. Peter, ang pinakaunang Bishop ng Rome at isa rin mangingisda kaya ang singsing ay sagrado. Ang papal ring ay sinisira upang hindi na magamit ng masasamang elemento. Ito ay sinisira ng silver hammer na ginawa lang para ipandurog sa papal ring. Ang isa pang dahilan kung bakit sinisira ang singsing ay upang maiwasan ang paggawa ng commercial papal ring.

Red Shoes—Blood of martyrs ang sinisimbolo ng pulang sapatos na isinusuot ng Papa. Ang isusuot ni Benedict XVI ay ang brown na sapatos na iniregalo sa kanya ng bumisita siya sa Mexico noong 2012.

Mozzetta—Ito yung kapa na nakabalabal sa kanyang balikat hanggang siko, minsan ito ay kulay pula. Ang isusuot na lang niya ay ang ordinaryong pulang abito ng cardinal o itim na abito ng pangkaraniwang pari.

Twitter account na @ Pontifex. Ipapasa ang account sa uupong Papa. Ang 39 posts niya ay binura na.

Lilisanin na niya ang official residence ng Papa na kung tawagin ay Palace of Sixtus V na ipinangalan sa karangalan ni Pope Sixtus V. Hangga’t inaayos pa ang villa na inilaan kay Benedict XVI, doon muna siya titira sa Castel Gandolfo, ang bahay bakasyunan ng Papa.

 

Show comments