NOONG araw ay nagpa-five-six ang aking mga magulang. May isang nangutang na dating sundalo na ipinadala sa MinÂdanao. Nagkasakit siya kaya madalas ay lumuluwas sa Maynila upang asikasuhin ang benefits na matatanggap. Wala siyang sapat na pera para gastusin sa pag-aasikaso ng kanyang benefits kaya nangutang siya sa aking ama. May sigurado namang ipambabayad kaya pumayag ang aking ama na pautangin ito ng malaki-laki rin halaga. Natatandaan ko ang sundalong iyon dahil ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa aming bahay bago siya binigyan ng pera ng aking ama. Noon ay ilang araw pa lang naipanganak ang aking bunsong kapatid.
Natatandaan ko rin na ipinaputol ng sundalong iyon ang isang daliri sa kamay yata o sa paa. Kunwari ay naputol iyon sa pakikipaglaban upang mas malaki ang matanggap na benefit. Bawat parte pala ng katawang naputol sa panahon ng pagliÂlingkod sa bayan ay may katumbas na halaga. Nakuha ng sundalo ang kaukulang benefit niya pero nakalimutan niyang magbayad sa aking ama. Ang aking bunsong kapatid ay nasa high school na pero hindi pa rin ito nagbabayad. Kung hindi pa nagsama ng mga pulis at isang government official ang aking ina sa bahay ng sundalo ay hindi pa ito mapipilitang magbayad. Prinsipal na utang lang ang siningil pero hindi pa makabayad kaya dinaan na lang namin sa paninindak. Bago pa sila bayaran ng sundalo ay matagal nang inihinto ng aking mga magulang ang pagpapa-five-six. Marami kasi ang nangyaring hindi maganda. Bad karma siguro ng five-six business nila.
Bukod sa sobrang stress na naranasan nila sa paniningil sa sundalo ay napagbintangan ang aking ama na naglilingkod bilang pulis na nagnakaw ng baril na nakatago sa loob ng PNP office. Nang ma-solve ang problema at nabisto ang real culprit ng nakawan, nalaglag naman ang baby na ipinagbubuntis ng aking ina. Ang laki ng aming panghihinayang dahil baby boy ito. Kaya simula noon, binura nila sa kanilang bokabularyo ang “five-sixâ€. Sobrang maningil ang karma. Nakakatakot.