Nasaan ang Kaharian ng Diyos?

NOONG unang panahon ay napakakonserbatibo ng mga tao pagdating sa kanilang paniniwalang panrelihiyon. Si Ruskin, isang mahusay na English essayist, ay mula sa mahirap na pamilya kaya napakasaya niya nang regaluhan siya ng isang kamag-anak ng laruang jumping-jack. Pero isang relihiyosa at konserbatibong tiya ni Ruskin ang umagaw sa laruan at pagkatapos ay itinapon ito dahil masama raw laruin iyon ng isang batang Kristiyano. Kabastusan daw ang sinisimbolo ng jumping-jack na laruan. Kuwento ni Ruskin, iyon daw ang pinakamasaya at pinakamalungkot niyang araw. Isang minutong saya ang kanyang nadama habang hawak-hawak ang kauna-unahan niyang laruan at pagkatapos ay buong buhay siyang nalungkot at nanghinayang dahil kailanman ay hindi siya nakaranas magkaroon ng kahit isa man lang laruan.

Noong 17th century, isang eskuwelahan ng mga bata sa England ang may batas na bawal maglaro. Ayon sa relihiyosong founder ng eskuwelahan na nagkataong ministro ng relihiyong itinayo niya, “Ang batang mahilig maglaro ay magiging ires­ponsable paglaki.”

Walang holiday sa eskuwelahan. Dahil doon mismo sa eskuwelahan nakatira ang mga bata, araw-araw silang gumigising ng alas-4 ng umaga upang magdasal at magmeditasyon nang kalahating araw. Tuwing Biyernes ay hindi pinakakain ang mga bata hanggang alas-3 ng hapon. Iyon daw ay paraan ng pagsasakripisyo upang makamtan daw nila ang kaharian ng Diyos.

Ngunit tinutulan ito ng mga pinuno ng iba’t ibang relihiyon. Ayon sa kanila, “Ang kaharian ng Diyos ay matatagpuan sa puso ng masasayang bata. Hindi matatagpuan ang kaharian ng Diyos sa mga batang sinisikil ang karapatang maglaro, kumain ng tama sa oras, nabubuhay sa pananakot na may  kasamang pagpapahirap, emosyonal o pisikal.”

                 

 

Show comments