Lalaki naging bampira nang masaksihan ang pagpatay at pagputol sa ari ng biktima

MAYROONG sakit na “clinical vampirism”. Ito ang naging sakit ng isang 23-anyos na lalaki sa Turkey.

Ayon sa mga doctor, iniinom ng lalaki ang sarili niyang dugo. At nang hindi na masiyahan sa sariling dugo, nanghahabol ng saksak at nangangagat ng ibang tao para lamang mainom ang dugo ng mga ito. Gayunman, ayon sa mga doctor, hindi alam ng lalaki ang kanyang ginagawa.

Sinabi ng mga doctor, nagkaroon ng “clinical vampirism” ang lalaki dahil sa pagkamatay ng 4-anyos na anak nitong babae at sa nasaksihang pagpatay ng kanyang kaibigan sa isang lalaki na pagkatapos pugutin ang ulo ay pinutol pa ang “ari”.

Ang magandang balita, ayon sa mga doctor ng military hospital sa Turkey, napagaling na nila ang “bampira” at hindi na ito delikado. Dalawang taon daw nilang ginamot ang lalaki.

Mga Hapones, nalalaswaan sa estatwang gawa ni Michela Angelo

NAGREREKLAMO ang mga residente ng Okuizumo, Japan makaraang ilagay sa kanilang parke ang mga replica ng estatwang David at Venus de Milo na ginawa ni Michelangelo.

Nalalaswaan sila sa mga estatwa sapagkat nakalabas ang ari. Dapat daw lagyan ng pantalon ang estatwa. Maraming bata rin daw ang natatakot sa mga estatwa. Hindi raw magandang tingnan ang mga ito.

Maski ang mga tao na pumayag noong una para maitayo ang mga estatwa sa kanilang parke ay nalalaswaan na rin. Dapat daw lagyan ito ng pantalon lalo ang estatwang David.

 

Show comments