Magkapatid na kambal, nakapag-asawa rin ng kambal at kapwa nagkaanak din ng kambal

NAKAKATUWA ang nangyari sa kambal na sina Craig at Mark Sanders. Nakilala nila noong 1998 sa isang twin convention ang kambal na sina Darlene at Diane Nettemeir.

Nag-proposed sina Craig at Mark kina Darlene at Diane­. Sinagot agad ni Diane si Craig at ganundin naman ni Darlene si Mark. Kaya ang sumunod ay ang kambal o dobleng kasalan.

Ang nakakatuwa ay nang manganak na sina Diane at Darlene. Kambal din ang kanilang naging anak. Kambal na babae kay Diane at kambal na lalaki kay Darlene.

Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng kambal na anak ng mga kambal ding magulang ay 3 sa bawat 1,000.

Magkakasama sa isang compound sa Houston, Texas ang dalawang pamilya. Hinahayaan nilang maglaro ang kanilang mga anak sa malawak nilang bakuran.

Ayon kina Craig at Diane, magkaminsan ay nahihirapan silang makilala kung sino ang kanilang anak dahil magkakamukha. Ganundin naman sina Darlene at Mark na magkaminsan ay nalilito pero napag-aaralan na nilang makilala kung sino sa mga kambal ang kanilang anak.

Natutuwa naman ang mga kambal sapagkat maligayang-maligaya sila.

Show comments