‘Larawan ng saya’

KAAYA-AYANG tanawin, mga historical na lugar, mga emosyon ng tao, makukulay na mga bagay, masarap na pagkain at kung anu-ano pa. Iba’t ibang dimensyon, hugis, kulay at anyo ating makikita. Lahat ng maganda sa paningin ay ating hinuhuli sa litrato. Kahit saan magpunta ay laging may bitbit na kamera.

Sa pagiging artistic ng tao ngayon ay naglunsad ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nang 1st National Photography Competition para sa mga taong mahilig kumuha ng mga larawan upang ipakita ang kanilang angking talento at galing sa pagkuha ng mga larawan. Tumatanggap na ngayon ang PAGCOR ng mga entry para sa kauna-unahang nationwide photo contest. Gamit ang government’s tourism slogan na “It’s More Fun in the Philippines,” ang paligsahan ay naglalayong maisulong ang natatanging kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino, mga kahanga-hangang natural resources ng bansa, atraksyon panturista, diverse activities, festivals at makasaysayang mga lugar ng ating bansa. Sinabi ng PAGCOR Assistant VP para sa Corporate Communications na si Ms. Maricar Bautista na sa Pilipinas ay may hindi mabilang na world-class na natural wonders na maaaring  mapanatiling-buhay sa pamamagitan ng potograpiya. “The 1st PAGCOR National Photography Competition intends to capture the unique sceneries and the beautiful attractions all over the archipelago. We want to show the best of the Philippine islands and why our country is a must visit destination,” dagdag pa niya. Ipinaliwanag ni Ms. Bautista na ang paligsahan ay may apat na kategorya: People, Customs and Traditions, Nature, and Historical Landmarks/Structures.  “All entries must depict the fun experienced by tourists, foreigners and locals alike while exploring or traveling the Philippines,” wika niya.

Para sa Kategoryang Tao, ang mga kalahok ay maaaring magsumite ng anumang portrait, human interest, genre o mga eksena mula sa pang-araw-araw na buhay. Para sa mga Customs at Traditions, ang mga entry ay maaaring isama ang mga larawan ng mga iba’t-ibang festival, pagdiriwang, pagkain o lokal na mga icon. Para sa Kalikasan na kategorya, ang mga kalahok ay maaaring magpadala ng isang larawan ng magandang patutunguhan ng paglalakbay, mga likas na yaman, landscape, panlabas na tanawin o sa ilalim ng dagat na mga larawan. Para naman sa structure at Landmark na kategorya, ang mga entry ay maaaring maging isang heritage site, makasaysayan o arkitekturang atraksyon.

Ang kauna-unahang National Photography Competition ng PAGCOR ay bukas sa lahat ng mga nationalities na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas sa panahong sakop ng paligsahan. Ang mga kalahok ay pinapayagan lamang lumahok sa dalawang kategorya, isang larawan lamang ang dapat isumite sa bawat kategorya. “The competition is open to all profes­sionals, amateurs especially young photo­graphers and photography enthusiasts who are 18 years old and above,” sinabi ni Ms. Bautista. Upang sumali, ang mga kalahok ay dapat magrehistro sa online at punan ang mga kinakailangang mga form sa opisyal na website ng PAGCOR, www.pagcor.ph. Ang PAGCOR ay tumatanggap lamang ng mga entry na isusumite sa online. Ang huling araw ng pagsusumite ng mga entry ay sa Mayo 20, 2013 (Lunes) sa ganap na 11:59PM.  Ang submission portal ay awtomatikong magsasara at tatanggihan ang lahat ng iba pang mga entry na isusumite pagkatapos ng deadline.

Magkakaroon ng apat na regional screening ang paligsahan sa buong bansa. “Entries from Luzon will be screened at the Casino Filipino Angeles; screening for entries from Visayas will be at Casino Filipino Cebu while entries from Mindanao will be screened at the Casino Filipino Davao. Entries from Metro Manila will be screened at Airport Casino Filipino in Parañaque City,” paliwanag ni Ms. Bautista. Idinagdag pa niya na ang panel ng mga hukom ay binubuo ng mga malaya at kilalang photographer, may-ari ng photo gallery o studio at opisyal ng PAGCOR. Ang mga pamantayan para sa pagpili ng mga finalist ay ang pagsunod sa tema, pagkamalikhain at pagka-orihinal, photographic quality at visual impact. Pipili ang PAGCOR ng 48 grand finalist sa buong bansa. Ang final judging ay sa Hulyo 5, 2013. Ang lahat ng 48 na mga entry ay ilalabas sa isang exhibit sa Airport Casino Filipino mula Hulyo 5 hanggang 11, 2013. “During the final judging, the panel of judges will select 12 grand winners (three per category) who will take home P75,000 each plus trophy. The 36 consolation prize winners (nine from each category) will each receive P20,000 plus certificate of merit,” sinabi ni Ms. Bautista.

Ang pormal na anunsyo ng mga nanalo ay sa Hulyo 12, 2013. Ang 12 entry ng mga larawan ng ‘grand winners’ ay gagamitin para sa kalendaryo ng PAGCOR sa 2014 at magiging parte din ng official photo gallery ng Department of Tourism (DOT).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, likas na mahusay ang mga Pilipino sa pagkuha ng mga larawan. Ito’y dahil na rin na maraming magagandang lugar dito sa atin. Patunay lamang ito na ang PAGCOR ay kaisa ng bawat Pinoy sa pagpapa-unlad ng mga talento sa iba’t ibang larangan at sa pagpapayaman ng ating bansa. Sa pagsibol ng bagong taon binabati namin si PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat Jr. at sampu pa ng kanyang mga kasama sa mga proyektong kanilang sinimulan ngayon taon. Para sa kumpletong detalye, mga alituntunin at mga mekanika, ang mga interesadong aplikante ay maaaring bisitahin ang www.pagcor.ph o Facebook page ng Pagcor (www.facebook.com / pagcor.ph) at Twitter (www.twitter.com / pagcorph) para sa mga anunsyo at mga update tungkol sa kumpetisyon. (KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal,ang aming numero 09213263166 / 09198972854/ 09213784392. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes mula 9am-5pm.

 

Show comments