Paghanga

Ikaw mutya ay maganda

kagandahang makabago

Nagising sa kabihasnan

ng maunlad na atomo;

Nguni’t ika’y mutya pa ring

karangalan ng lahi ko

Pagka’t bagong Maria Clara

mula paa hanggang ulo!

 

Magmula sa iyong buhok

hanggang sakong na sinaga

Larawan ka ng babaing

nararapat idambana;

Kayumanging kaligatan

ang kulay na mawiwika –

Sagisag ng Pilipinas

na bayan ko’t ating lupa!

 

Show comments