DITO sa Pilipinas, iba’t ibang style ang ginagawa para manakawan ang jewelÂry shop. MayÂÂÂroong gumagawa ng tunnel para mapasok ang jewelry shop pero may nagÂkakamali dahil ibang shop ang kanilang napasok.
Sa Queensland. Australia ay uso rin ang pagnanakaw sa jewelry store. Noong bisperas ng Bagong Taon, dalawang magnanakaw ang pumasok sa isang jewelry shop. Binasag nila ang salamin ng bintana at saka hinagisan ng spark plugs. Pero pumalpak ang spark plugs.
Sa halip, minabuti nilang sa likod na lang magdaan. Pero malaking pagkakamali sapagkat Animal Welfare charity shop pala ang kanilang napasukan. Ganunman, nilimas nila ang anumang mapapakinabangan sa shop.
Gumawa pa sila ng paraan. Gumawa sila ng butas sa toilet para magkaroon ng access sa jewelry shop pero ma-laking pagkakamali sapagkat ang napasukan nila ay Kentucky Fried Chicken branch. Nilimas din nila ang anumang naroon.
Binilang nila ang nakulimbat: $33 ang nakuha sa charity shop at $1,700 sa KFC.
Ipinasya na nilang lumabas. Paglabas, nakaabang na ang mga pulis at inaresto sila.