NADISKUBRE ang katawan ni Andrew Evan, 35, sa kitchen ng kanyang bahay sa East Grinstead, West Sussex. Patay na siya! Ang nakapagtataka, namatay si Evan na nakatayo!
Ang nakatagpo kay Evan ay ang kanyang kaibigan na hindi na nagpabanggit ng pangalan. Ayon sa kaibigan, nagtaka siya nang hindi sumagot si Evan nang tawagin niya. Nang silipin umano niya sa kusina, nakatayo si Evan. Tinawag niya pero hindi ito kumikilos. Gumawa ng paraan ang kaibigan para makapasok at nalaman niyang patay na si Evan. Ang nakapagtataka ay kung bakit nakatayo ito nang mamatay. Tumawag ng pulis ang kaibigan at inimbestigahan ang pangyayari.
Hinala ng mga pulis, lasing si Evan nang mangyari ang insidente. Mayroon itong inaabot na patingkayad sa cupboard at nag-blacked out. Hindi na siya nakakilos at nanatili sa ganoong position.
Sikat ng araw, sekreto nang mahabang buhay ni Jiroemon Kimura
ANG Hapones na si Jiroemon Kimura ang pinakamatandang tao sa mundo – siya ay 115-anyos.
Ipinanganak siya noong 1897 sa Kyoto. Mayroon siyang 5 anak, 14 na apo, 25 apo sa tuhod at 13 apo sa talampakan.
Sabi ni Kimura, ang kanyang sekreto sa pagkakaroon nang mahabang buhay ay ang sikat ng araw. Lagi raw siyang nakatingin sa kalangitan. Nagpapasalamat daw siya sa magandang sikat ng araw na tumatama sa kanyang katawan. Ito raw ang nagdudulot sa kanya ng positibong pag-iisip.