HANGGANG ngayon, isang malaking misteryo ang ginagawang “pagpapakamatay” ng mga aso sa Scotland. Tumatalon ang aso mula sa Overtoun Bridge na may 50 feet ang taas. Ayon sa report, may 50 aso na ang nagpapakamatay sa tulay.
Ginagawa ng mga aso ang pagpapakamatay kapag matindi ang sikat ng araw o kapag maganda ang panahon. Ang nakapagtataka bawat aso ay sa kaparehong spot tumatalon. Noong 2005, limang aso ang sunud-sunod na nagpakamatay sa tulay.
Ilang teorya ang lumabas kung bakit ginagawa ito ng mga aso: 1) ang tulay umano ay haunted. May kakaiba umanong naaamoy ang aso sa tulay; 2.) Isang sanggol daw ang itinapon sa tulay. Isang anti-Christ daw ang sanggol kaya itinapon. Ang sanggol daw ang nakikita ng mga aso; 3.) Ang area raw ng tulay ay nasa pagitan ng langit at lupa. Napi-feel daw ng mga aso ang vibrations ng lugar at ito ang nagtutulak sa kanila para magpakamatay.
Orangutan sa Gibraltar perwisyo na sa mga tao!
PROBLEMADO na ang gobyerno sa Gibraltar dahil sa perwisyong dulot ng mga orangutan na tinatawag na Barbary macaques. Sobrang dami na ng mga orangutan at nagdudulot ng panganib sa mamamayan at mga turista. Maaaring lumobo pa ang mga orangutan at malampasan pa ang mamamayan. Pinag-iisipan na ng gobyerno kung paano maililipat sa isang island ang mga orangutan.
Hindi na raw umano natatakot ang mga orangutan sa tao. Katunayan, sinasalakay na ng mga ito ang mga tao. Kamakailan lang, 59 na tao ang naospital makaraang pagtulungang bugbugin ng mga orangutan.
Ayon kay Dr. John Cortes, hindi na natatakot ang mga orangutan sa tao sapagkat alam nila na ang mga ito ang pagkukunan ng rich foods gaya ng chocolate at biscuits.