Mga kakaibang pagtatago ng illegal drugs (2)

KAHAPON nalathala sa column na ito ang ginawang pagtatago ng cocaine ng isang babae sa kanyang niretokeng mga suso. Ngayon, dalawang pangyayari pa na may kaugnayan sa pagtatago ng illegal drugs ang matutunghayan:

 

COCAINE AT MARIJUANA ITINAGO SA PROSTHETIC LEG --- Kung titingnan si Jose Santiago, 51, ng Wilmington, Delaware ay inosente at kawawang-kawawa sa hitsura. Tila ba hindi siya gagawa ng anumang illegal. Naputol ang isang paa ni Santiago kaya ang gamit niya ay prosthetic leg.

Pero ang prosthetic leg pala na ito ang kanyang gagamitin para maitago ang masamang gawain.

Nakatanggap ang mga pulis ng 911 call tungkol sa umano’y isang lalaki na nagpapakita ng kalaswaan. Nang dumating ang mga pulis nakita nila ang lalaki na naka-prosthetic leg at nasa gitna ng kalye at ipinakikita ang ari. Tila lasing ang lalaki.

Dinampot ang lalaki at dinala sa presinto. Wala naman silang ikakasong mabigat sa lalaki. Pero nagulat sila nang makita na may outstanding warrant pala ito. Nang inspeksiyunin ang prosthetic leg nito, natagpuan ang 2.5 grams ng cocaine at 2.8 grams ng marijuana. 

Agad siyang kinasuhan.

 

COCAINE NADISKUBRE SA BUHOK NG 2 BABAE --- Nagtaka ang mga awtoridad sa JFK Airport sa New York sa kakaibang taas ng buhok ng dalawang babae na nanggaling sa Guyana. Extra tall ang buhok at maayos na maayos ang pagkaka-weave.

Nagduda ang authorities at agad ininspeksiyon ang buhok nina Kiana Howell at Makeeba Graham. Nalantad ang cocaine saa makapal at mataas na buhok. Nakakuha ng 35.1 ounces ng cocaine kay Howell at 36.9 kay Graham.

Ayon sa dalawa hindi nila alam ang contents ng package. Utos lang daw ng kanilang boyfriend sa Guyana na dalhin ito sa US. Katagalan, umamin din ang dalawa. Binayaran daw sila ng $7,500 para dalhin ang cocaine.

Show comments