Lampong (134)

BAGO lumabas si Dick ay hinagilap ang cell phone. Ugali na niyang dalhin ang cell phone.

Nang buksan niya ang pinto, nakatayo roon si Jinky. Manipis ang damit. Sa tingin niya, wala nang iba pang saplot sa loob.

“Anong nangyari, Jinky?’’

“May gamot ka ba para sa lagnat ni baby, Tito Dick?’’

“Mataas ba ang lagnat?’’

“Kanina nang hipuin ko, mainit.’’

“Wala akong gamot para sa bata. Pang-matanda ang nasa medicine cabinet.’’

‘‘Anong gagawin ko Tito Dick ?’’

“Halika tingnan ko nga si baby.’’

Nagkatinginan sila ni Jinky. Si Jinky ay may kakaibang tingin.

“Ano Jinky? Halika, tingnan ko nga si baby.’’

Humakbang si Dick. Si Jinky ay di malaman ang gagawin. Atubili. Nauna si Dick sa pagtungo sa kuwarto ni Jinky at baby. Naramdaman niyang sumunod si Jinky. Parang duda siya na may sakit ang baby.

Binuksan niya ang pinto. Nasa crib ang baby. Mahim-bing. Nilapitan niya. Sinalat niya ang noo. Mainit nga yata? Sinalat uli. Parang ma-init nga.

Nilingon niya si Jinky. Nakatingin lang.

‘‘Hindi naman gaanong mainit.’’

“Pero nag-aalala ako Tito Dick. Baka kung anong mangyari?’’

“Nilagnat na ba ito dati?’’

“Oo.”

“Anong ginawa mo?’’

“Si Tita ang nagbigay ng gamot.’’

“E di sana itinanong mo kung anong gamot yun?’’

“Nalimutan ko Tito Dick.’’

Sinalat muli ni Dick ang noo. Talagang hindi niya malaman kung mainit o tama lang ang temperature ng baby.

“E teka at bibili ako ng gamot,”sabi ni Dick.

“Ayaw kong maiwan dito Tito.”

“Anong gagawin natin?’’

“Natatakot akong mag-isa rito.’’

“Hayaan na lang natin na tumaas ang lagnat ng anak mo.’’

Natahimik si Jinky.

‘‘Mabuti pa kaya tawagan ko ang Tita Puri mo. Itatanong ko kung anong gamot ang mabuti para sa bata.’’


“Naku, huwag na Tito Dick. Magagalit yun!”

“Bakit magagalit e pamangkin niya ang maysakit?’’

Hindi napigilan si Dick. Tinawagan si Puri sa kan­yang cell. Nakatingin si Jinky.

(Itutuloy)

 

Show comments