KAHIT pa anong sabihin, marami pa rin ang natitirang may mabubuting puso sa panahong ito na pulos na lang kaguluhan at pamumulitika ang ating naririnig na balita. Kaya lang, sa ibang bansa nangyari ang mga sumusunod na kuwento:
1. Sa Portland, Oregon ay may isang laundry shop sa isang commercial center na may nakapaskil na ganito sa entrance ng shop:
If you are unemployed and need an outfit clean for an interview, we will dry clean it for free.
2 . Pagkaraan ng hurricane Sandy, may isang tahanan na suwerteng may kuryente. Inilabas nito ang extension cord hanggang labas ng gate. May note na nakapaskil sa gate:
We have power. Please feel free to charge your phone.
3. Sa isang grocery, may isang envelop na may lamang pera sa section ng mga drinks. Ang ginamit ay window envelop kung saan masisilip kung magkano ang nilalaman ng envelop para alam ng makakapulot na tama lang iyon sa presyo ng isang inumin. May nakasulat sa labas ng envelop:
Random act of kindness. Enjoy a drink! It’s on me.
4. Isang residente sa Los Angeles California ang nagkuwentong naiwan niya ang bike sa labas ng kanilang bahay. Isang kapitbahay ang nagmalasakit na patungan ito ng plastic dahil umulan. Nakasulat sa plastic ang mga katagang ito:
A wet bike seat would have been no fun.
Puwedeng mangyari dito sa atin ang story 1 to 3. Naniniwala akong marami pa rin Pinoy ang may mabubuting kalooban. Pero duda ako kung magkakatotoo dito sa atin ang story no. 4. Duda ako… dudang-duda with matching iling ng ulo.